Make your own free website on Tripod.com


10 TIPS FOR SAFETY DRIVING


Halos araw-araw na lang ay napapanood natin sa telebisyon at nababasa natin sa mga pahayagan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo.

Sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), daan-daang motorsiklo ang naaksidente sa mga lansangan sa Kalakhang Maynila ang kanilang naitala. At siyam sa sampu sa mga napatay na rider at backrider ay hindi nagsusuot ng helmet. Isa sa mga panguna­hing itinuturong dahilan ng aksidente ay ang pagkala­ngo sa alak ng motorcycle rider. 

Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad na batas na nagbabawal sa mga motorcycle riders na magmaneho ng walang suot na helmet at pag-inom ng alak ay marami pang sumusuway o hindi sumusunod dito.

Ang tawag sa mga ito ay ma­gitas ang ulo! Oo, totoong napakasarap magmaneho ng motorsiklo, pero kung hindi tayo susunod sa pinapairal na batas ng ating gobyerno hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho  maaaring ma­lagay tayo sa peligro.

Kung nakakabasa kayo sa mga diaryo, napakinggan sa mga radyo, at napanood sa telebisyon ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.... tandaan n’yo, maaari ring manyari ito sa inyo! Kaya, simpleng payo lang mga kababayan, ma­ging alerto sa pagmamaneho ng motorsiklo.

‘Wag rin kayong kaskasero... baka pupulutin kayo sa sementeryo! Higit sa lahat, malayo man o malapit, ugaliin nating isuot ang helmet. Speaking of helmet, sa totoo lang, ang ilang sa ating mga kababayan ay sinusuot lamang ang helment kapag nakita sila ng traffic enforcers o kaya’y police na nagsasagawa ng checkpoint.

Ang tanong sa inyo, kailan ba talaga matututo tayong mga Pilipino?

Sa pagkakataong ito, ang PHLRC ay may 10 tips para sa mas ligtas na pagmamaneho ng motorsiklo. Basahin n’yo sa ibaba.

1. Magsuot ng helmet

2. Huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho

3. Huwag magmaneho ng nakainom ng alak

4. Huwag kaskasero

5. Gumamit ng ilaw at busina

6. Tumingin sa side mirror

7. Sundin ang dalawang segundong distansya

8. Umiwas sa mga lubak at sirang daan

9. Inspeksyuning mabuti ang motor bago gamitin

10. Ugaliin ang pag-check-up ng motor sa mekaniko