Make your own free website on Tripod.com

ENERO 31,  2012   - MARTES
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Super sa saya ang matagumpay na road trip ng PHLRC riders kamakalawa sa Subic, Zambales.
Dakong alas-3:00 ng madaling araw nang mag-take-off ang PHLRC riders sa Quezon City Memorial Circle at dumating sa Subic dakong alas-8:00 ng umaga.
Maliban sa road trip, nagkaroon din ng palaro gaya ng volleyball, swimming, videoke at food trip ang PHLRC riders kaya’t super sa saya ang nasabing biyahe.
Samantala, many thanks sa mga magigiting nating pulis na sina SPO1 Daquiaog, PO2 Viejo, PO2 Perrile at PO2 Campos na nakatalaga sa PCP 4 Karuhatan, Valenzuela City dahil sa mabilis nilang pagresponde nang magkaroon ng problema ang PHLRC riders dahil sa kaskaserong driver ng van (ZSG 618) na si Efren Alvelo Jr. 
God bless, PHLRC riders!

ENERO 30,  2012   - LUNES
ANO ANG MOTORSIKLO?
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Motorcycle – kilala rin sa tawag na motor bike, brumbrum at motor.
Sa mga ‘di nakakaalam, ang motorsiklo ay isa sa pinakamurang motor-powered na behikulo na puwedeng maging pag-aari ng sinuman. At dahil dama ng mga Pilipino ang pagtaas ng presyo ng gasolina at dumaraming kakumpitensyang mga pasahero sa taxi, mrt at lrt at ang trapik sa lansangan ay namumuhunan ang ilan para magkaroon ng sariling sasakyan. Sabi nga ng iba, hawak mo ang oras kapag may sarili kang sasakyan. Paano nga naman ‘pag nasarhan ka ng LRT? O lahat ng dumadaang taksing pinapara mo ay laging may sakay?
Sa halagang P27,000 ay puwede ka nang magliwaliw sa sarili at bago mong sasakyang motor. Di gaya ng mga kotse na kailangan mo ng halos P400,000 para makabili ng bago. Makakatipid ka na sa gas, makakasingit ka pa sa trapik. Alam n’yo bang ang Matzu Matsuzawa Honda XL125 ay umaabot ng 100km gamit lamang ang kalahating litro ng gasolina?
Bagaman makakatipid ang tao sa pagbili ng motor, kinakailangan ding ikonsidera ang mga disadvantages nito at hindi lang laging advantage.
* Hindi accesible ‘pag tag-ulan lalo na kung malakas talaga ang ulan
* Kailangang naka-helmet palagi
* Mahirap kung may bitbit kang 7 grocery bags na puno
*  Vulnerable sa  fatal na aksidente ‘di gaya ng kotse na kahit papaano ay may sapat na proteksyon

ENERO 29,  2012   - LINGGO
AKSIDENTE SA MOTORSIKLO
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Tinatayang nasa 80% ng mga naiulat na aksidente sa motorsiklo ay nagresulta ng pagkapinsala o kamatayan, karaniwan ang pinsala sa ulo.
Bilang pinakamatindi sa mga aksidente sa lahat ng uri ng mga sasakyan, ang bilang ng mga aksidente sa motorsiklo ay patuloy na tumataas sa buong mundo.
Dahil sa konting proteksyon ng mga motorcycle riders, ito ang dahilan kung bakit mas malala ang sinapit nila gaya ng pagkabali ng mga buto, pinsala sa utak at spinal cord, pagkaputol sa anumang bahagi ng katawan, at pagkamatay.
Lumalabas sa istatiko na ang motorcycle rider ay mas mataas ng 83% sa mga naaksidente sa daan kumpara sa mga nakasakay sa anumang uri ng sasakyan.
Paano mo maiiwasan o mababawasan ang panganib sa aksidente sa motorsiklo?
Pinakamabisa ang pagsunod sa mga batas sa daan at pagkuha ng kurso sa kaligtasan sa pagmamaneho ng motorsiklo.
Karamihan sa mga motorsiklo na naaksidente ay nangyari dahil sa kawalan ng sapat na kaalaman ng rider.
Magsuot ng protective gears gaya ng helmet. 
Ang pagsusuot ng helmet ay nakakabawas ng 29% na posibilidad na mamatay ang isang rider at pagbaba sa panganib na pagka-trauma sa utak ng 67%.
Ang isa sa mga layunin ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) ay magbibigay ng paalala at babala sa mga motorcycle riders na laging mag-ingat sa pagmamaneho ng motorsiklo.

ENERO 28,  2012   - SABADO
WALA PANG SANGAY ANG PHLRC SA PAMPANGA
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Sa araw na ito, bibigyan-daan muna natin ang ilang katanungan mula sa ating mga suking readers.
***
“Magandang araw po, Ka. ED. Nais ko lang pong batiin ng congrats ang samahan ninyo. Napakaganda ng layunin ng PHLRC. Sana’y tuloy-tuloy na ang paglago ng inyong samahan. God bless.”
–Joseh ng Obando, Bulacan
Ka. ED: Maraming-maraming salamat din po sa inyong patuloy na pagsusubaybay sa kolum na ito. Gagawin namin ang lahat para mapaalalahanan ang ating mga kababayang nagmo-motor na laging mag-ingat sa pagmamaneho. Takaw sa aksidente ang motorsiklo. 
***
“Ka. ED, ano po ba ang requirements para makasali sa inyo? May membership po ba? Taga-San Fernando, Pampanga po ako.”
–Jude ng Pampanga 
Ka. ED: Napakadaling sumali sa PHLRC. Walang membership fee sa samahang ito. Ang problema, wala pa kaming branch sa Pampanga. Nakatutok pa kami ngayon sa Metro Manila at karatig na mga lalawigan. Standby lang. 

“Hello, Ka. ED. Willing akong sumali sa inyo. Punta ako sa QC Circle sa Linggo.”
–Jun-Jun ng Quezon City
Ka. ED: Next Sunday na kayo pumunta. Nasa Subic kami sa Linggo.  


ENERO 27,  2012   - BIYERNES
MOTORCYCLE LANE NG MMDA BINATIKOS SA FB!
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Binatikos nang husto ng taumbayan partikular ng mga motorista ang motorcycle lane ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.
Nag-ugat ang pagbatikos matapos mag-post sa kanilang Wall sa Facebook ang MMDA ng larawan na may caption na “Napakaganda at ligtas pong tignan kung may disiplina.” Tatlong larawan na pinagtagpi-tagpi ang pinost ng MMDA.
Pinuna ng Facebook users ang unang larawan kung saan makikita roon ang isang arrow para sa mag-e-entry na motorsiklo. Sa halip na motor, kitang-kita sa larawan ang pagpasok ng kotse na sa halip ay motorsiklo.
Pinuna rin ng Facebook users ang nagmo-motor na tumatakbong nakapila sa loob ng motorcycle lane sa pangalawang larawan.
Banat ng ating mga kababayan, sa picture lang na iyon maganda pero sa aktuwal na pangyayari, bumabalandra ang iba’t ibang uri ng malalaking sasakyan sa motorcycle lane na naging dahilan ng pagkakaaksidente ng ilang motorcycle riders.
Sa pangatlong larawan naman, binira nila ang MMDA sa tila hindi pag-iisip ng mabuti ng nasabing tanggapan bago mag-post ng larawan sa Facebook. Wala kasing makikitang blue paint sa kalsada bilang patunay na motorcycle lane nga iyon. Nakakahiya!

ENERO 26,  2012   - HUWEBES
BAGONG OPISYALES NG PHLRC PARA SA TAONG 2012
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Narito ang mga bagong opisyales ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) para sa taong ito.
Congrats, PHLRC riders!


Directors:
1. Even Demata
2. Rico Rocero
3. Ruben Cabrillas Jr.
4. Rolly Malupa 
5. Fredelito Modesto

Consultants:
1. Jupiter Gonzales
2. Glen Calalang
3. Edgar Maglalang
4. Diosdado Benitez Jr.

President:
Ronnie Terrado

Vice President:
Ernesto Padigdig

Treasurer:
Karen Rocero

Assistant Treasurers:
1. Irene Gonzales
2. Ma. Theresa Tabilog

Auditor:
Alejandro Parilla Jr.

Assistant Auditors:
1. Ronel De Guzman
2. Dioscorro Policarpio

Business Manager:
Marces Jarencio

Assistant Business Manager:
Rene Tubongbanua

Secretary:
Maricel Lajom

Assistant Secretaries:
1. Flor Mamza
2. Dhel Manasis
3. Annabelle Dela Cruz

P.R.O:
Alvin Runas

Assistant P.R.O:
Dhionel Pilan

P.IO.:
Danilo Delfin

Sgt. at Arms:
1. Reynaldo Dispo
    (Chief)
2. Rovir Mahilum
3. Arthur Aranjuez
4. Enrique Sabalboro
5. Dan Liban
6. Jose Piquero

Medic:
1. Jocelyn Denosta
2. Lorillie Linga
3. Ma. Cecille Carranza
4. Ma. Theresa Tabilog
5. Meann Mahilum

Mechanics:
1. Aaron Sabio
2. Mark Saguid
3. Mario Fuentes

ENERO 24,  2012   - MARTES

ROAD TRIP SA SUBIC NG PHLRC RIDERS SA LINGGO
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Bilang bahagi ng paghihigpit ngayon ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC), ang miyembro na hindi uma-attend sa General Monthly Assembly Meeting ay ititiwalag na sa samahan. Epektibo ang bagong batas na ito noong Enero 22, 2012.
Kung may dahilan ang miyembro ng hindi niya pagdalo sa mahalagang pagpupulong ng samahan kailangan niyang gumawa ng salaysay kalakip ang ilang katibayan.
Pangalawa, ang lahat ng miyembro na bibigyan o nabigyan na ng plaka ng PHLRC ay lalagda sa sampung kasunduhan sa paggamit ng nasabing plaka ng samahan.
Pangatlo, ang tema ng PHLRC para sa taong ito ay “Enjoy Life, Enjoy Rider, Save More Lives!”
Noong 2011, ang tema ng PHLRC ay “Magpalaganap Tungo sa Pagkakaisa sa Iisang Mithiin.”
***
Samantala, magkakaroon ng road trip ang PHLRC riders sa darating na Linggo, Enero 29, 2012, sa Subic, Zambales. Ang meeting place ay sa Quezon  City Memorial Circle, ang oras ng take-off ay alas-3:00 ng madaling araw.
*** 
CONGRATS kay Ka. Paul Pangilinan. Isa siya sa nakakuha ng info sa pagsabog ng isang bomba sa Makati kahapon. 
Basahin ang detalye sa page 2 ng Bagong Toro.


ENERO 23,  2012   - LUNESBROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Alam ng inyong lingkod na maraming natutunan ang mga kasapi sa Pinoy Hot Riders Club (PHLRC) na dumalo sa General Monthly Assembly Meeting ng samahan sa Quezon City Memorial Circle kahapon.
Pormal na naturuan ng inyong lingkod ang 85 riders at 14 backriders na dumalo kahapon para sa PNP Checkpoint Seminar at Media Workshop & Seminar.
Naibahagi rin natin sa kanila ang mga bagong rules ng PHLRC, at pagbibigay paalala sa kanila kaugnay ng paghihigpit ng samahan para sa taong ito lalo pa’t dumadami pa ang miyembro ng PHLRC ngayon.
Samantala, tunghayan ngayon sa pahayagang Remate sa kolum natin doon sa page 9 ang mga bagong opisyales ng PHLRC para sa taong ito.
God bless, PHLRC riders!


ENERO 22,  2012   - LINGGO

10 Payong Pangkaligtasan sa mga Motorcycle Riders
1.) Laging maging alisto ang mata o make eye contact. Huwag mong asahang lagi kang nakikita ng ibang motorista. Laging sanayin ang tumingin sa mga drivers ng ibang behikulo na maaaring bumagtas ng biglaan sa iyong dinaraanan.
2.) Basahin ang mga vehicle language pati na rin ang mga drivers, cyclist at ang pedestrian na nalalamang parating ka. Hindi nila batid ang iyong layo at bilis. Huwag kang umasa na nalalaman nila ang gusto mong gawin.
3.) Tingnan ang mga left turning vehicles at intersection. Kapag ikaw ay nabangga ng paparating na sasakyan na kumakambiyo ng pa-kaliwa ay karaniwang sanhi ng pagsemplang ng motorsiklo.
4.) Laging tingnan ang likuran kapag nagmamaneho kapag nasa highway. Tingnan ang iyong salamin at siguraduhing may katamtaman kang espasyo mula sa likuran. Ang mga drivers na nasa likuran mo ay baka hindi magmaneho ng mabagal at baka magitgitan ka ng hindi mo inaasahan.

5.) Tingnan ang mga panganib na mayroon sa kalsada. Gaya ng basang kalsada, fluid spill o grasa, buhangin, graba, highway sealant, mga railroad tracks (riles ng tren o humps), butas gaya ng imburnal o manhole, at iba pang gaya nito na maaaring makaapekto ng iyong pagmamaneho. Magiging sanhi kasi ito ng iyong pagsemplang at aksidente.
6.) Hinay-hinay lang ang takbo kapag may kurba ang kalsada. Maaari kasing lumagpas ka sa kalsada o sa sentro ng linya at mabangga ng paparating na trapiko. Tingnan lagi ang dinaraanan, mabagal lamang ang takbo at piliin ang tamang posisyon ng linya bago pumasok sa kurbang linya.
7.) Magsuot ng tamang helmet. Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang head injuries sa 67 porsiyento ng pagkabangga at kaso ng  pagkamatay naman ng 29 porsiyento. Siguraduhin na may sticker ang iyong helmet na nagpapakita na isa itong de kalidad na motorcycle gear. Iwasang bumili ng gamit nang helmet. Maaaring nakaldag na iyon sa isang aksidente at pinsala nito ay hindi basta agad malalaman.
8.) Magsuot ng protective clothing na dinisenyo para talaga sa mga motorcycle riders. Ito’y nakakatulong upang proteksiyunan ka kapag nabangga. Pinoproteksiyunan ka rin nito sa maalinsangang panahon upang manatili kang komportable kahit maalinsangan o kahit na umuulan. Proteksiyon din ito sa mga bumabagsak na debris kung mayroon man habang binabagtas ang kalsada. Huwag magmaneho ng motor kapag suot mo lamang ay lightweight pants o slacks at shorts.

9.) Protektahan ang iyong mata at mukha. Ang hangin na nasasalubong habang nagmamaneho’y nagiging sanhi ng panunubig ng mga mata, mga lumilipad na insekto. Ang alikabok at debris ay nakakapinsala ng iyong mukha. Ang mabisang proteksiyon dito ay ang pagsususot ng full faced helmet na may shield na tumatakip sa mukha.

10.) Magsuot ng bright o maliwanag na kasuotan. Maglagay din ng extra reflecting material dito o magsuot ng reflective vest. Bumili ng bright colored helmet at lagyan ito ng reflective tapes sa bawat kabila. Lagi rin dapat nakabukas ang iyong headlight. Magmaneho sa tamang linya sa gayun ay madali kang Makita ng ibang motorista.  


ENERO 21,  2012   - SABADO

ANG PATULOY NA PAGLAGO NG PINOY HOT LINE RIDERS CLUB
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Isa sa mga saksi ang mga readers ng BAGONG TORO kung paano nagsimula ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) noong Marso 2010.
Bago na-establish at naging matatag ang samahang ito, tulad ng ibang samahan, nakaranas din ang PHLRC ng matinding unos. At sa awa naman ng Diyos, heto ang PHLRC ngayon, lalong tumitibay, tumatatag, lumalago, at unti-unti na ring nakikilala ng publiko.
Alam namin na marami pang pagsubok ang kakaharapin ng PHLRC, maaaring ngayon, bukas, at sa darating pang mga panahon, pero alam ko, maging ng lahat ng kasapi sa samahan, kung paano namin lulusutan ang mga pagsubok na ito... at isa na nga rito ang nagkakaisa at nagmamahalang kasapi sa PHLRC.
Sa darating na Linggo, kasabay ng General Monthly Assembly Meeting ng PHLRC riders sa Quezon City Circle na magsisimula sa oras na alas-7:00 ng umaga, mayroong mahahalagang anunsyo ang inyong lingkod Kaya,’t pinakikiusapan ko ang lahat ng kasapi na ‘wag mawala sa Linggo. At para doon sa mga bagong kasapi gayundin sa mga gusto pang magpamiyembro, marami kayong matututunan sa samahang ito.
Samantala, ang PHLRC ay matutunghayan na rin ngayon sa pahayagang Remate.
Congrats, PHLRC riders!

ENERO 20,  2012   - BIYERNES
KAHALAGAHAN NG PAGSUSUOT NG HELMET (2)
Full face
Ang full face helmet ay tumatakip sa kabuuang ulo, kasama ang hulihang sumasaklob sa bungo, at isang protective section para sa harapan ng baba. Ang nasabing mga helmet ay may open cutout sa buong mata at ilong, at madalas na may kasamang malinaw o tinted transparent plastic face shield, na tinatawag na visor, na pangkalahatang umiikot pataas at pababa para mabigyan ng daanan ang mukha.
Marami sa mga full face helmets kabilang ang labasan na nagdadagdag ng hangin sa rider. Mahalagang nakakaakit sa nasabing mga helmet ay ang kanilang pananggalang. Hindi naman nagugustuhan ng ilang mga nagsusuot nito ang karagdagang init, pakiramdam na nakabukod, kawalan ng hangin, at nakakabawas sa pandinig ang gayong mga helmet. Ang full face helmets ay ginawa para sa off-road use, minsan ay naaalis ang face shield, pero napapang-abot ang visor at chin portions para madagdagan ang ventilation, dahil ang riding off-road ay masyadong nakapapagod na gawain.
Ipinakita sa pag-aaral na ang full face helmets ay nag-aalok ng proteksyon nang higit sa lahat sa mga motorcycle rider dahil 35% ng mga pagsalpok ay kinakitaan ng  major impact sa chin-bar area.
Ang pagsusuuot ng helmet na hindi tumatakip sa halos kabuuang mukha ay nagpapabawas ng nasabing proteksyon- mas kaunti ang pagkakasaklob ng helmet, mas mahina ang proteksyong maibibigay nito sa rider.

ENERO 19,  2012   - HUWEBES

KAHALAGAHAN NG PAGSUSUOT NG HELMET (1)

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Ang motorcycle helmet ay isang uri ng protective headgear na ginagamit ng motorcycle riders.
Ang pangunahing layunin ng motorcycle helmet ay para sa seguridad ng mga rider- upang maprotektahan ang kanilang ulo sa panahon nang pagsalpok, sa gayon pinapaiwas o binabawasan ang pinsala sa ulo o mailigtas ang buhay ng isang rider. Ilan sa mga helmet ay nagbibigay ng karagdagang kaginhawahan gaya ng kaluwagan, kalasag sa mukha, proteksyon sa tainga, intercom at iba pa.
Mataas ang panganib sa banggaan sa trapiko ang mga nagmomotorsiklo.
Nasuri noon sa 2008 systematic review, ang pag-aaral sa mga motorcycle rider na sumalpok, at nakitang namagitan ang helmet.
Kabilang sa review ay ang pagbabawas ng mga helmet sa peligro sa pagkakaroon ng pinsala sa ulo mula sa may 69% at kamatayan na may 42%.
Ilang pag-aaral din ang nagmumungkahi na ang mga helmet ay nagbibigay din ng proteksyon laban sa facial injury pero wala umanong epekto ito para magkaroon ng  pinsala sa leeg, bagaman kinakailangan pa ng maraming pananaliksik para makakuha ng kasagutan dito.
MAY KARUGTONG


ENERO 18,  2012   - MIYERKULES

GEN. MONTHLY ASSEMBLY MEETING SA LINGGO
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Tinatawagan ng pansin ang lahat ng mga kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC), ang ating General Monthly Assembly Meeting ay nakatakda sa Enero 22 (Linggo), na gaganapin sa Quezon City Circle (sa dating gawi) sa oras na alas-7:00 ng umaga. Mas maaga ang buwan nating pagpupulong ngayon dahil sobrang dami nating paksang pag-uusapan.
Inoobliga ang lahat na dumalo sa buwanang pagpupulong ng samahan.
***
Samantala, sa lahat ng gustong sumali sa PHLRC, maaari po kayong magtungo sa Quezon City Circle sa oras na alas-9:00 ng umaga.
Dalhin ang xerox copy ng inyong driver’s license at OR/CR ng inyong motorsiklo.
Kita-kits!
****
LALO pang humataw ang video clip ng PHLRC sa Youtube.
Isinusulat natin ang kolum na ito kahapon, pumalo na sa 120,000 ang nakapanood sa nasabing video na may pamagat na “3 Yrs Old Baby Dies in Motorcycle Accident” mula nang i-upload natin ito noong Agosto 11, 2011.
Ang nasabing video clip ay para sa lahat ng nagmo-motor. Kapag napanood nila ang naturang video, nakakatiyak silang marami silang matutunan. God bless!


ENERO 17,  2012   - MARTES

QUICK TIPS PARA SA GROUP RIDING (2)


KARUGTONG KAHAPON
Ride in formation. Ang pahapay na riding formation (tingnan ang diagram) ay nagsasaalang-alang ng tamang lugar sa pagitan ng mga motorsiklo para may tamang oras at lugar ang bawat rider na magmaneubra at mag-react sa peligro. Ang leader ay nasa kaliwang ikatlong lane, habang ang susunod na rider ay mananatili ng kahit na isang segundo sa likuran ng kanang ikatlong lane; ang natitirang grupo ay sumusunod sa pattern. Piliin ang single-file formation sa makurbang daan, sa ilalim ng pangit na kundisyon ng daan, sa entering/leaving highways, o iba pang sitwasyon kung saan ang nadagdag na espasyo o maneuvering room ay kinakailangan.
Iwasan ang side-by-side formations, dahil magbabawas ito ng espasyo.Kung biglang kinakailangan lumihis para maiwasan ang peligro, walang lugar para rito para di magkasala-salabid ang handlebars.
Paulit-ulit na i-check ng riders ang kanyang hulihang view mirror. Kung makikita mo na may isang rider na bumagsak, bagalan ang takbo para matulungan ito. Kung ganito ang teknik na gagamitin ng lahat ng riders sa grupo, mapapanatili ang tamang steady speed nang walang pressure sa pagpapatakbo nang mabilis.
Kung nahiwalay sa grupo, huwag mag-panic. Ang grupo ay kailangang may pre-planned procedure sa lugar para mag-regroup. Huwag suwayin ang batas o magmaneho nang higit sa kaalaman.
Para sa mechanical o medical problems, gumamit ng cell phone para makatawag ng assistance kapag kinakailangan ng pagkakataon.
***
Belated happy 1st birthday to Christ Joseph O. Mendez in Kasiglahan Village, Montalban, Rizal, last January 15, 2012. Wish you more birthdays to come! From Mama & Papa, especially Ninong Even Demata and PHLRC riders. 
***
ADVANCE happy birthday to my hubby lovely Engr. Hurdy Denosta, January 20. From lovingly wife, Jocie Denosta & kids and PHLRC riders.


ENERO 16,  2012   - LUNES

QUICK TIPS PARA SA GROUP RIDING

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Ang pagmomotorsiklo ay isang solong aktibidad, pero para sa marami, ang pagpapatakbo ng grupo, kasama man ang mga kaibigan tuwing Linggo ng umaga, o kasama sa organisadong motorcycle rally ay isang ehemplo ng motorcycling experience.
Narito ang ilang mga tip para matiyak ang kasayahan at safe group ride:
Maghanda sa pagdating. Dumating sa oras na ang tangke ay puno ng gas.
Magsagawa ng riders’ meeting. Talakayin ang mga bagay gaya ng dadaanan, pamamahinga at pagtigil para sa paglalagay ng gasolina, at hand signals.
Magtalaga ng lead at sweep (tail) rider.
Kailangang may mga karanasan ang riders na bihasa na sa group riding procedures.
Kailangan ding matantiya ng leader ang kakayahang magpatakbo ng bawa’t isa at ang riding style ng grupo.
Panatilihin ang grupo sa tamang dami, kadalasan ay lima o pitong riders. Kung maaari, paghiwalayin ang grupo sa maliliit na sub-groups, bawat isa rin ay may lead at sweep rider.
Maghanda sa pagtakbo. Kailangang ang isa sa grupo ay may balutan ng cell phone, first-aid kit, at full tool kit, para ang grupo ay nakahanda sa anumang problema na maaring makaengkuwentro.
MAY KARUGTONG


DISYEMBRE 2, 2011   - BIYERNES

MAGDALA NG KAPOTE SA LINGGO

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

BUENOS dias amigos! 

First, binabati ng inyong lingkod ang mga bagong kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na sina PO1 Benjamin Atienza Jr., PO1 Yob Enguio, PO1 Ricardo Borja, PO1 Herbert Siendo, PO1 Bong Tanzinco, PO1 Fernandez at PO1 Sherwin Landrito na pawang nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO). 

Sana makadaupang palad ko kayong lahat sa darating na Linggo kasabay ng road trip ng ating samahan sa Matabungkay Beach Resort sa Lian, Batangas. 

Kita-kits! 

Kaugnay nito, pinayuhan ang lahat PHLRC riders na magdala ng kapote sa Linggo bilang paghahanda baka biglang bumuhos ang malakas na ulan. 

Magdala na rin ng extra tire interior, spark plug, fuse at baon para sa almusal. 

God bless us always!

 


DISYEMBRE 1, 2011   - HUWEBES

TAPOS NA ANG MEDIA WORKSHOP SA PHLRC RIDERS

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Noong Linggo, kasabay ng emergency meeting ng PHLRC riders, isinailalim na ng inyong lingkod sa media workshop/seminar ang mga kapatid sa samahan. 

Lahat sila ay tinuruan natin kung paano gumawa ng balita at kung ano ang limitasyon bilang isang mamamahayag. 

Sa totoo lang, kaming mga nagmo-motor, malaki ang maitutulong sa paghahatid ng mas mabilis na impormasyon sa ating mga kababayan. 

May mga pagkakataon na may nagaganap na aksidente sa mga lansangan na hindi kaagad naibabalita dahil sa kawalan ng reporter sa lugar. 

Sa pamamagitan ng PHLRC riders, bukod sa mas mabilis, exclusive at scoop na rin ito sa aming pahayagan. 

Good luck, PHLRC riders!


NOBYEMBRE 30, 2011   - MIYERKULES

MAY BAGO NANG FAN PAGE SA FACEBOOK ANG PHLRC

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Matagal nang umabot sa maximum limit na 5,000 friends ang account ng PHLRC riders sa Facebook. 

Kaya, ang ginagawa natin ay gumawa ng bagong fan page para lalo pang dumami ang kaibigan ng samahan sa nasabing social networking site. 

Lahat ng bagong photos ng PHLRC mula sa road trip at mga meetings ay nai-upload na sa fan page ng samahan. 

Narito ang bagong fan page ng PHLRC. 

www.facebook.com/phlrcriders 

Samantala, ugaliin n’yo ring bumisita sa ating website na phlrc.tripod.com. ‘Wag n’yo nang lagyan ng tatlong letrang W para makapasok sa ating website. 

Sa ibang dako, paalala sa lahat ng PHLRC riders, kapag may manita sa inyo sa daan, magpakilala kayong reporter ni Even Demata sa diaryong Bagong TORO. 

Iyan ang sunod mong gawin, Ka. Brix.  


NOBYEMBRE 29, 2011   - MARTES

VIDEO CLIP NG PHLRC SA YOUTUBE, PUMALO NA SA 30,600 ANG NANONOOD

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Good news! 

Isinusulat natin ang kolum na ito kahapon, pumalo na sa 30,681 ang nanonood sa video clip ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Youtube simula nang i-upload natin ito noong Abril 12, 2011. 

Ang titulo ng nasabing video ay “3 YRS OLD BABY DIES IN MOTORCYCLE ACCIDENT”. 

Ang tema ng nasabing video clip ay naglalaman ng mahigpit na paalala at babala sa lahat ng nagmo-motor na mag-ingat lagi sa pagmamaneho at ‘wag mag-angkas ng bata sa motorsiklo. 

Maraming salamat din sa mga nagko-comment doon kung saan nagpapasalamat sila sa paalala ng PHLRC sa lahat ng mga nagmo-motor. 

Kuwentuhan ulit tayo bukas. 


NOBYEMBRE 28, 2011   - LUNES

PAALALA: Ang tamang pagbigkas ng PHLRC ay PIL-RC. 

***

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Damang-dama ng bawat kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club PHLRC) ngayon ang patuloy na paglago ng samahan simula nang nabuo ito noong 2010. 

Naging hamon sa bawat isa sa amin ang mga pagsubok nitong nakalipas na mga buwan... at ito naman ay nagpapatibay sa pundasyon ng magandang ugnayan at pinagsamahan sa bawat kasapi sa PHLRC.

Naging inspirasyon din namin, at mismo ako, ang mga kapatid sa samahan na sa kabila ng mga pagsubok ay nariyan pa rin sila. Mahal na mahal pa rin nila ang PHLRC. Solid na solid pa rin, ika nga. 

Ngayon, ang PHLRC ay maikokonsidera nang kabilang sa isang matibay na tahanan sa mga motorcycle riders club sa bansa. 

Ika nga ni Atty. Mella, magiging panghabambuhay ang isang bahay kapag wala nang anay. Hek! 

Samantala, plantsado na ang biyahe ng PHLRC sa Matabungkay Beach Resort sa Lian, Batangas sa darating na Disyembre 4, 2011. 

Ang meeting place ay sa Baywalk, sa may dulo ng Pedro Gil Avenue. Ang oras ng take-off ay alas-4:00 ng madaling araw. 

Sa araw na iyan, guguhit na naman ng isang makasaysayang road trip ang PHLRC.


NOBYEMBRE 27, 2011   - LINGGO

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Pinaghahandaan na ng MMDA ang posibleng pagpapatupad din ng motorcycle lane sa kahabaan ng EDSA sa susunod na taon. 

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na inaayos muna nila ang lahat bago ipatupad ang motorcycle lane sa EDSA lalo't plano ng DPWH na magpatayo ng dalawang flyover sa C-5 road partikular sa Lanuza at Julia Vargas Streets na aabutin ng isang taon at dalawang buwan ang konstruksyon. 

Aniya, kapag sinimulan ang pagpapatayo ng dalawang flyover sa C-5 road ay tiyak na maglilipatan ang mga motorista sa EDSA. 

Kaya kinausap na aniya nila ang DPWH na magsagawa muna ng road widening bago gawin ang flyover. 

***

Samantala, magkikita ngayon alas-9:00 ng umaga ang lahat ng kasapi sa PHLRC sa Quezon City Circle.


NOBYEMBRE 26, 2011   - SABADO 

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Naka-ready na ang ilang kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) para sa road trip ng samahan sa darating na Disyembre 4 (Linggo), 2011, sa Matabungkay, Lian, Batangas. 

Inaasahang marami ang sasama sa biyahe na ito. 

***

Sa lahat ng mga kapatid sa PHLRC, sa darating na Linggo, Nobyembre 27, ipamimigay na ng mga opisyales ng samahan ang bagong plaka ng PHLRC na may tatak na “MEDIA”. Pero bago ito, kailangang dumaan muna sa final briefing, seminar at media workshop ang lahat ng kasapi lalo pa’t naghihigpit na ngayon ang samahan. 

***

Samantala, maraming salamat sa lahat ng kapatid sa samahan na nakiisa sa motorcade na inilunsad ng NPC at AFIMA nitong Nobyembre 23 para sa Ika-2 Anibersaryo ng Maguindanao Massacre. 


NOBYEMBRE 25, 2011   - BIYERNES

 

MEDIA WORKSHOP NG PHLRC SA LINGGO

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Inulan ang inyong lingkod ng text messages mula sa mga kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club o PHLRC kamakalawa ng gabi.

Tuwang-tuwa sila nang mapanood nila sa TV Patrol at 24 Oras ang ilang kasapi sa samahan nang makiisa sa isinagawang motorcade ng NPC at AFIMA kamakalawa sa Metro Manila. 

***   

Sa darating na Linggo, Nobyembre 27, magkakaroon ng pagpupulong ang lahat ng kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas-9:00 ng umaga. 

Tuturuan ng inyong lingkod ang lahat ng kasapi kung paano gumawa ng balita... ibig sabihin, magkakaroon ng workshop sa Linggo. 

Nais din ipabatid ng inyong lingkod sa lahat ng kapatid sa PHLRC ang limitasyon bilang isang mamamahayag. 

Gaya ng nasabi ko nitong nakalipas na mga araw, bago na ang plaka ng PHLRC. 

Ang plaka ng PHLRC ngayon ay may tatak nang MEDIA. 

Kita-kits. 

***  

Sa lahat naman ng gustong magpamiyembro sa PHLRC, magtungo lang kayo sa Quezon City Memorial Circle sa Linggo kasabay ng media workshop sa mga kasapi sa samahan. 

***

Samantala, magkakaroon naman ng road trip ang PHLRC sa Disyembre 4, 2011 sa Matabungkay, Lian, Batangas. 

Malalaman ang iba pang detalye sa Linggo. 

***

Belated happy birthday kay Ka. Renaldo Dispo. 

Happy birthday naman kay Pareng Armando Nopuente. 


NOBYEMBRE 24, 2011   - HUWEBES

MOTORCADE PARA SA IKA-2 ANIBERSARYO NG MAGUINDANAO MASSACRE

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Naging matagumpay ang motorcade ng National Press Cloub (NPC) at Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) kahapon kung saan nakiisa ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) dito para sa Ika-2 Anibersaryo ng Maguindanao Massacre. 

Dakong ala-una ng hapon kahapon nang magsimula ang motorcade mula sa gusali ng NPC patungong Recto, España, E. Rodriguez, Araneta Avenue, Aurora Blvd. patungong Recto, Taft Avenue patungong Korte Suprema at DOJ saka dumiretso sa Roxas Blvd. patungong Baclaran saka bumalik sa NPC. 

Dose-dosenang riders ang nakilahok sa makasaysayang motorcade na ito. 

Sa PHLRC, nasa mahigit 50 riders ang nakiisa sa itinuturing ng samahan na pinakamalaking aktibidad sa taong ito. Narito ang attendance ng PHLRC na nalilahok sa nasabing aktibidad. 


1. ALVIN RUNAS

2. MARK SAGUID

3. ALEJANDRO  PARRILLA JR.

4. JOEL ANDRES

5. RONEL DE GUZMAN

6. RENANTE ORAG

7. DHIONEL PILAN

8. JOCELYN MALUPA

9. ROLLY MALUPA

10. REYNALDO DISPO

11. GERRY LANUZA

12. MA.CRISTEL LANUZA

13. JUPITER SPIDER

14. ABDUL AKIM H.U 

     MASOGACAO

15. ALFED BRINGAS

16. BRIX DEQUINA

17. ERN MORATALLA

18. MARIO MURCIA

19. MARIO MAGNAYE

20. JHUN BENITEZ

21. FREDDIE MODESTO

22. LORILLIE LINGA

23. RICO ROCERO

24. MONICA ROCERO

25. RONEL FAURA

26. DHENG MAQUIRANG

27. EVEN DEMATA

28. VEL DADOR

29. RENE BOY DELFIN

30. WILLIAM DE GUZMAN

31. EMILY CONDE

32. MICHAEL PASCUA

33. ELADIO MILAR

34. ROLAND MALANG

35. LOPE YASAY

36. MARVIN FUENTES

37. MA. THERESA TABILOG

38. RONNIE TERRADO

39. MARLOU DAHUNOG

40. RUBEN CABRILLAS

41. AMY CABRILLAS

42. RENATO BALAO

43. NORA BALAO

44. ROVIR MAHILUM

45. MEANN MAHILUM

46. DIOSCORO POLICARPIO

47. STEPHEN INSO

48. IRENE AQUINO

49. PATRICK TALION

50. JHUN MABANAG

51. RONALD BULA

52. RENITO TUBONG BANUA

53 . MARCES JARENCIO

54. JOEL AMORES


NOBYEMBRE 23, 2011   - MIYERKULES

MOTORCADE ILULUNSAD NG NPC AT AFIMA NGAYON

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Mamayang alas-12:00 ng tanghali, magkikita-kita ang lahat ng kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club sa National Press Club (NPC) Bldg., sa Intramuros, Manila upang makilahok at makiisa sa ilulunsad na parada o motorcade ng National Press Club at Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) para sa ika-2 anibersaryo ng Maguindanao Massacre. 

Sa mga kapatid sa PHLRC na hindi alam kung saan itong NPC Bldg., narito po ang eksaktong lokasyon.

Kung galing kayo ng Manila City Hall, baybayin n’yo ang kalsada patungong Divisoria. Bago kayo makarating sa Jones Bridge, makikita n’yo sa bandang kaliwa ang gusali ng NPC. Nasa paanan lang ito ng Jones Bridge. 

Ang NPC Building ay nasa pagitan lamang ng Bureau of Immigration (BI) at Manila Post Office gayundin sa Letran College sa Intramuros, Maynila. 

***

NITONG Linggo ng hapon, isa ang PHLRC sa mga nakikiisa sa inilunsad na aktibidad ng Motorcycle Philippines na ginanap sa Mall of Asia (MOA) sa Pasay City. 

Daan-daang motorsiklo ang lumahok sa nasabing aktibidad, na alay para sa lahat ng mga nasawi at nasugatan sa aksidente sa daan partikular sa mga nagmo-motor. 

Ang tema ng nasabing aktibidad ay “World Day of Remembrance for Road Traffic Victims”.

Para sa inyong kaalaman, sa loob lamang ng isang araw, humigit-kumulang sa 3,500 ang namamatay sa kalsada at mahigit sa 10,000 naman ang nasugatan sa buong mundo. Sa loob ng isang taon, nasa limang milyon katao ang nasawi sa aksidente sa daan sa buong mundo. Mag-ingat lagi sa pagmamaneho. 

***

Happy birthday to Mr. Brando Landayan, today. From Ka. Ronel De Guzman


NOBYEMBRE 22, 2011   - MARTES

Broom boom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Bukas, Nob. 23, ay ika-2 anibersaryo ng Maguindanao Massacre. 

Ang PHLRC riders ay makikiisa sa ilulunsad na motorcade ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) sa pangunguna ni Boss Benny Antiporda at National Press Club (NPC) sa pangunguna naman ni Pres. Jerry Yap. 

Layon ng motorcade na ito na kalampagin ang pamahalaan para mabigyan na ng katarungan ang mga biktima ng Maguindanao Massacre. 

Inaanyayahan ang lahat ng kapatid sa PHLRC na magtungo bukas sa National Press Club Bldg., sa Intramuros, Manila sa oras na alas-dose ng tanghali. 

Kita-kits!


NOBYEMBRE 21, 2011   - LUNES

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Bukas, araw na Martes, ia-update ng inyong lingkod sa inyo ang meeting ng PHLRC kahapon sa Quezon City City Memorial Circle. 

***

Sa darating na Miyerkules, makikiisa ang PHLRC riders sa ilulunsad na motorcade ng National Press Club (NPC) at Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) para sa ika-2 anibersaryo ng Maguindanao massacre. 

Layon ng motorcade na ito na kalampagin ang ating pamahalaan para mabigyan na ng katarungan ang mga kapatid namin sa hanap-buhay na kabilang sa pinaslang sa brutal na masaker. 

Ang PHLRC riders ay magkikita-kita sa oras na alas-dose ng tanghali sa National Press Club Bldg. sa Intramuros, Maynila. 

Umaasa po kami na mabigyan na ng hustisya ang lahat ng biktima sa Maguindanao massacre. 


NOBYEMBRE 20, 2011   - LINGGO

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Sa Linggo na ito na ang Gen. Monthly Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Quezon City Memorial Cirlce sa oras na alas-9:00 ng umaga. Pinayuhan ang lahat ng kasapi na dumalo sa pinakamahalagang aktibidad sa araw na ito ng ating samahan dahil marami tayong paksa na pag-uusapan. 

Ito rin ang araw ng release ng bagong plaka ng PHLRC na may tatak na “MEDIA”. Magkakaroon din ng panibagong pictorial para sa identification card ng samahan. 

Sa mga gustong magpamiyembro sa PHLRC, punta lang kayo sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas-9:00 ng umaga sa Linggo. 

***

Binabati natin ang ating mga kaibigan na sina PO1 Israel Vergil G. Tansingco at PO1 Herbert Siendo ng Regional Public Safety Batallion ng NCRPO. Kita-kits sa aming meeting sa Linggo, mga pare ko!  


NOBYEMBRE 19, 2011   - SABADO

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Sa Linggo na ito na ang Gen. Monthly Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Quezon City Memorial Cirlce sa oras na alas-9:00 ng umaga. Pinayuhan ang lahat ng kasapi na dumalo sa pinakamahalagang aktibidad sa araw na ito ng ating samahan dahil marami tayong paksa na pag-uusapan. 

Ito rin ang araw ng release ng bagong plaka ng PHLRC na may tatak na “MEDIA”. Magkakaroon din ng panibagong pictorial para sa identification card ng samahan. 

Sa mga gustong magpamiyembro sa PHLRC, punta lang kayo sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas-9:00 ng umaga sa Linggo. 

***

Binabati natin ang ating mga kaibigan na sina PO1 Israel Vergil G. Tansingco at PO1 Herbert Siendo ng Regional Public Safety Batallion ng NCRPO. Kita-kits sa aming meeting sa Linggo, mga pare ko!  


NOBYEMBRE 18, 2011   - BIYERNES

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Sa Linggo na ito na ang Gen. Monthly Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Quezon City Memorial Cirlce sa oras na alas-9:00 ng umaga. Pinayuhan ang lahat ng kasapi na dumalo sa pinakamahalagang aktibidad sa araw na ito ng ating samahan dahil marami tayong paksa na pag-uusapan. 

Ito rin ang araw ng release ng bagong plaka ng PHLRC na may tatak na “MEDIA”. Magkakaroon din ng panibagong pictorial para sa identification card ng samahan. 

Sa mga gustong magpamiyembro sa PHLRC, punta lang kayo sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas-9:00 ng umaga sa Linggo. 

***

Binabati natin ang ating mga kaibigan na sina PO1 Israel Vergil G. Tansingco at PO1 Herbert Siendo ng Regional Public Safety Batallion ng NCRPO. Kita-kits sa aming meeting sa Linggo, mga pare ko!  


NOBYEMBRE 17, 2011   - HUWEBES

Halos araw-araw na lang ay napapanood natin sa telebisyon at nababasa natin sa mga pahayagan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo. 

Sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), daan-daang motorsiklo ang naaksidente sa mga lansangan sa Kalakhang Maynila ang kanilang naitala. At siyam sa sampu sa mga napatay na rider at backrider ay hindi nagsusuot ng helmet. Isa sa mga pangunahing itinuturong dahilan ng aksidente ay ang pagkala­ngo sa alak ng motorcycle rider.  

Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad na batas na nagbabawal sa mga motorcycle riders na magmaneho ng walang suot na helmet at pag-inom ng alak ay marami pang sumusuway o hindi sumusunod dito. 

Ang tawag sa mga ito ay ma­gitas ang ulo! Oo, totoong napakasarap magmaneho ng motorsiklo, pero kung hindi tayo susunod sa pinapairal na batas ng ating gobyerno hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho  maaaring ma­lagay tayo sa peligro. 

Kung nakakabasa kayo sa mga diaryo, napakinggan sa mga radyo, at napanood sa telebisyon ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.... tandaan n’yo, maaari ring manyari ito sa inyo! Kaya, simpleng payo lang mga kababayan, ma­ging alerto sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

‘Wag rin kayong kaskasero... baka pupulutin kayo sa sementeryo! Higit sa lahat, malayo man o malapit, ugaliin nating isuot ang helmet. Speaking of helmet, sa totoo lang, ang ilang sa ating mga kababayan ay sinusuot lamang ang helment kapag nakita sila ng traffic enforcers o kaya’y police na nagsasagawa ng checkpoint. 

Ang tanong sa inyo, kailan ba talaga matututo tayong mga Pilipino? 

Sa araw na ito, ang PHLRC ay may 10 tips para sa mas ligtas na pagmamaneho ng motorsiklo. Basahin n’yo sa ibaba. 

1. Magsuot ng helmet

2. Huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho

3. Huwag magmaneho ng nakainom ng alak

4. Huwag kaskasero

5. Gumamit ng ilaw at busina 

6. Tumingin sa side mirror

7. Sundin ang dalawang segundong distansya

8. Umiwas sa mga lubak at sirang daan

9. Inspeksyuning mabuti ang motor bago gamitin

10. Ugaliin ang pag-check-up ng motor sa mekaniko

***

Maligayang kaarawan po kay Mr. Danilo Dela Cruz, Nov. 15, 2011.. hapi 65th b-day na kasamahan tanod. Salamat po, galing po pagbati kay Matanglawin at sa mga kasamahan nyang tanod nyt shift ng baclaran... 

Ka. Jhun Benitez


NOBYEMBRE 16, 2011   - MIYERKULES

GEN. MONTHLY ASSEMBLY MEETING SA LINGGO

Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

First, malugod naming ipinababatid sa inyo na umaabot na po ang pahayagang BAGONG TORO sa Iligan City, Davao, Cagayan De Oro, Dipolog, Iloilo, Cebu, General Santos City, Tacloban City, Roxas City, Bacolod City, Virac sa Catanduanes, Catarman gayundin sa Dumaguete City. Standby lang para sa iba pang lugar. 

At sa lahat ng mga kababayan nating Bisaya o mga Cebuano, maayong adlaw sa inyong tanan! Tuba pa! Ha ha ha!

***

May pumutok na bagong isyu ngayon sa internet. Wala itong kinalaman sa motorsiklo kundi tungkol ito sa istrahedyang ginawa ni Juan Manual Marquez na dinaya niya ang ating Pambasang Kamao. 

Paano dinaya? 

Naku, kapag makita n’yo ang mga larawan o kaya’y mapanood ang video clip, kitang-kita na sa tuwing sumusugod si Pacquiao ay inaapakan ni Marquez ang paa ni Pacquiao. 

Limang beses itong nangyari. 

Kaya siguro feeling ni Pacquiao na pinulikat siya... hindi niya alam inaapak-apakan na pala ang mga paa niya ng kalaban! Ha ha ha! 

‘Yung mga nagsasabi na dapat si Manuel ang manalo, tingnan n’yo ang larawan o kaya’y panoorin ang video clip at tinitiyak ko sa inyo na ganito ang sasabihin n’yo, “Si Pacman talaga ang dapat manalo!”

***

Pumalo na sa 21,621 ang nanonood sa video clip ng PHLRC sa Youtube mula nang i-upload natin ito sa nasabing website noong Agosto 11, 2011. Sa mga gustong mapanood ang nasabing video, hanapin n’yo lang sa Youtube, “PHLRC Driving Safety Campaign”.

***

Sa Nobyembre 20, 2011  na ang General Monthly Assembly Meeting ng PHLRC na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle sa oras na alas-9:00. Ito ang araw ng release ng bagong plaka ng PHLRC. 

At sa lahat ng mga gustong magpamiyembro, magtungo lang kayo roon para makapag-fill-up na kayo ng aming registration form. 

Kita-kits!


NOBYEMBRE 15, 2011   - MARTES

AN’DAMING PAGKAIN!

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Masaya ang ika-34 kaarawan ni Irene Aquino na ginanap sa Frenzy Hot Models na matatagpuan sa West Avenue sa Quezon City kamakalawa ng gabi. 

Bukod sa litsong baboy, marami pang ulam ang nakalatag sa mesa. Sarap! 

Hindi inaasahan ni Irene, ang misis ni Ka. Spider, ang daming mga kapatid sa samahan na dumalo sa selebrasyon ng kanyang kaarawan. 

Napahanga rin siya sa pagiging masayahin at mabait na mga kapatid sa PHLRC. 

Lalo pang naging masaya ang PHLRC riders nang magkuwento si Ka. Spider ng mga katatawanang kuwento. Ang mga girls naman at ilang boys ay birit na birit sa pagkanta doon sa videoke. 

Sa kabuuan, masaya ang selebrasyon ng kaarawan ni Irene. Hindi iyon malilimutan ng bawat isa sa amin. 

Nang gabing iyon ay banaag sa bawat isa sa amin ang saya sa aming pag-uwi. Walang katulad, ika nga. 

Nasa 26 riders ang dumalo sa nasabing birthday celebration.  

 


NOBYEMBRE 14, 2011   - LUNES

DAHIL SA LABAN NI PACQUIAO

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Naging matagumpay ang meeting ng PHLRC sa mga bagong kasapi sa Quezon City Memorial Circle kahapon ng umaga. 

Nagtungo rin doon ang nagbalik-loob sa samahan na si Ka. Ronald Mendez. 

Personal na nakadaupang-palad ng inyong lingkod ang mga bagong kapatid sa PHLRC na sina Paul Palad Pangilinan, Marlon Alaron, Rene Boy Delfin, Jay Peroso, Richard David, Arthur Aranjuez, Danilo Delfin, Ricky Dela Cruz, Renato Balao at Marvin Busog.

Maliban sa inyong lingkod, personal din na naipaliwanag nina Ka. Alvin Runas (PRO) at Ka. Ronnie Terrado (VP) ang mga layunin ng samahang ito. 

Samantala, naroon din sa QC Circle sina Ka. Alejandro Parrilla Jr. (Assistant Auditor), Ka. Rolly Malupa (Board of Trustee), Ka. Diosdado Benitez Jr. (Representative) at Ka. Ranel Faura. 

Mahigit sa 30 na bagong kasapi sana ang inaasahang dumating kahapon pero naudlot dahil may laban pala si Pacman kontra Marquez! He he he!

 

NOBYEMBRE 13, 2011   - LINGGO

HAPPY BIRTHDAY, IRENE!

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

First, binabati ng happy birthday ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) ang layout artist ng BAGONG TORO na si Mrs. Irene Aquino. Siya ay kumander ng bagong kasapi sa PHLRC na si Ka. Spider. 

Siyempre, imbitado ang lahat ng kasapi sa samahan! 

Kahapon ng hapon, sobrang busy si Ka. Spider para makuha ang litsong baboy na handa para sa kaarawan ng kanyang may-bahay ngayong araw. 

At para naman sa lahat ng mga kapatid sa PHLRC... tayo ay magkikita-kita para mag-pon-ipon mamayang alas-7:00 ng gabi sa bahay ni Ka. Rico Rocero sa Kundiman St., Brgy. Paltok, Quezon City bago tayo magtungo sa West Avenue kung saan idaraos ang selebrasyon ng kaarawan ni Irene. 

Tinatawagan ko ng pansin ang lahat ng kapatid sa PHLRC na magtungo mamayang gabi sa bahay ni Ka. Rico. 

At para sa iyo, Irene... wish you more birthdays to come! 

Request ko lang... sana mayroon ding papaitan! Ha ha ha!

***

Sa ibang dako, ngayong alas-9:00 ng umaga, magkikita-kita naman ang lahat ng nagpapamiyembro sa PHLRC sa Quezon City Memorial Circle. Layon nito ay para magkakakilala tayo at magkaupang-palad. 

 

NOBYEMBRE 12, 2011   - SABADO

UPDATED NA ANG WEBSITE

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Updated na ang website ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na may URL phlrc.tripod.com. 

Siya nga pala, para makapasok kayo sa website ng PHLRC, ‘wag n’yong lagyan ng tatlong letrang www ang phlrc.tripod.com.

Sa naturang website, mababasa n’yo na rin ang kolum na ito gayundin ang kolum ni Ka. Even Demata na Pinoy Hot Line. 

Patuloy pa rin nating pinagaganda ang ating website. 

Samantala,  sinusulat natin kahapon ang kolum na ito, pumalo na sa 20,149 ang nanonood sa video clip ng PHLRC sa Youtube na may pamagat na “PHLRC Driving Safety Campaign” mula nang i-upload natin ito noong Agosto 11, 2011. Ibig sabihin, libu-libong katao na ang napapaalalahanan at napapayuhan ng samahan para sa mas ligtas na pagmamaneho ng motorsiklo. 

Ayon pa nga sa isang nag-comment sa video, “The family that rides together, dies together. ‘Wag kasi isama ang buong pamilya ‘pag mag-motor!” 

*** 

Sa ibang dako, ngayong araw ay mapapakinggan n’yo ang inyong lingkod sa DWSS 1494 khz sa pihitan ng inyong mga radio sa programa ni Pareng Ronald Bula na “Bandera Pilipino sa Radyo” sa oras na alas-9:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga. 

 

NOBYEMBRE 11, 2011   -  BIYERNES

KITA-KITS SA SUNDAY

TINATAWAGAN ng pansin ang lahat ng nagpapamiyembro sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC). Tayo ay magkikita-kita sa darating na Linggo, Nobyembre 13, 2011, sa Quezon City Memorial Circle (DAR gate) sa Quezon City sa oras na alas-9:00 ng umaga. Layon nito ay upang magkakakilala po tayo at makadaupang-palad. Ito rin ang pagkakataon na kayo ay makapag-fill-up ng registration form ng PHLRC. Siyempre pa, para malaman n’yo rin kung ano ang layunin ng ating samahan. Kita-kits!

Even Demata aka Ka. ED 

PHLRC Founder

***

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Busy bukas ang ilang opisyales ng PHLRC. 

Ang inyong lingkod ay magtutungo sa DWSS 1494 khz am band sa programa ni Pareng Ronald Bula ang “Bandera Pilipino sa Radyo” na magsisimula sa oras ng alas-9:00 ng umaga hanggang alas-10:00 ng umaga. 

Ang ilang opisyales at mga kasapi naman sa PHLRC ay magtutungo sa LTO Main sa Quezon City para dumalo sa safety driving seminar. 

Dagdag kaalaman din ito para sa mas ligtas ng pagmamaneho ng motorsiklo sa ating mga kapatid sa PHLRC. 

Bukas ulit. 


NOBYEMBRE 10, 2011   -  HUWEBES

Reign Prints ‘n Stickers

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Ika-10 ng Nobyembre ngayon, taon 2011. 

Ilang araw na lang ay Pasko na! Am’bilis! 

First, binabati natin ang ating mga kaibigan na sina Rey at Rhona Mae Dangalan na siyang mag-ari ng Reign Prints ‘n Stickers na matatagpuan sa 79 Marcos Hi-way, Sitio Upper, East Kamias, Cogeo, Gate 2, Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal. 

Para sa kabatiran ng lahat, sila ay gumagawa ng iba’t ibang uri ng stickers para sa mga sasakyan gayundin sa motorsiklo. 

Nagpi-print din sila ng t-shirt gamit ang bago nilang Digital Heat Press. Nagpi-personalized din sila ng kahit anumang items. Nagpi-print ng mga pictures at mga dokumento, maliban pa sa gumagawa rin sila ng PVC ID. 

Katunayan, sila ang gumawa ng extra plate ng inyong lingkod kung saan nakasulat doon ang layunin ng PHLRC na “Ugaliing magsuot ng helmet bago magmaneho at ‘wag mag-angkas ng paslit sa motorsiklo.” Bukod sa de kalidad, murang-mura lang ang kanilang serbisyo.

Maari rin silang kontakin sa 470-5039. 

Ang Reign Prints ‘n Stickers ay katabi lang mismo ng Arddy’s Motorcycle Shop and Accesorries na pagmamay-ari naman ng ating malapit na kaibigan na si Darry. 

Magagaling ang kanilang mekaniko. 


NOBYEMBRE 9, 2011   -  MIYERKULES

Ang Lola ni Ramona

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

First, welcome sa bagong kasapi sa PHLRC na si Ka. Chito Montero ng Sta. Cruz, Laguna. 

Siya ay nagtatrabaho sa Tumangan Law Office at ang kanyang motor ay Suzuki Smash 110. 

Samantala, batid ng inyong lingkod na patuloy na lumulobo ang bilang ng mga bagong kasapi sa PHLRC... siyempre pa, kita-kita tayong lahat sa Quezon City Memorial Circle sa Nobyembre 20 (Linggo) sa oras na alas-9:00 ng umaga.

Kahapon, binati ang PHLRC riders ng TV5, DZMM, DZBB at Radio 5. 

Nabanggit kahapon ang tunay na layunin ng aming samahan - ang mahigpit na kampanyang nagbibigay babala at paalala sa ating mga kababayang nagmo-motor hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho partikular na ang pagsusuot ng helmet bago magmaneho at ‘wag mag-angkas ng paslit sa motorsiklo. 

Many thanks kay Charlie Lorenzo.  

***

SA ibang dako, sa darating na Linggo ng gabi, Nobyembre 13, imbitado ang lahat ng kasapi sa PHLRC kaugnay ng kaarawan ng misis ni Ka. Spider na si Irene. 

Muli, ang meeting place natin ay sa bahay ni Ka. Rico sa Kundiman St., Quezon City. 

Malapit lang doon ang pupuntahan natin.    


NOBYEMBRE 8, 2011   -  MARTES

SAFETY DRIVING TIPS ULIT

NAPAKAHALAGA para sa iyo na makita ka ng ibang tsuper. 

Ang motorsiklo ay napakaliit kaya’t mahirap itong makita ng mga driver na nagmamaneho ng malalaking sasakyan.

Bilang payo, iwasang magmaneho na sa blind spot ng four-wheeled vehicle dahil hindi ka makita ng mga driver. Ang blind spot ay nasa likod ka ng malaking sasakyan at hindi ka makita ng driver sa kanilang mga side mirror. 

Ang mabisang tips para makita ka ng mga driver, kailangan na ikaw ay nasa bandang gilid ng sasakyan, sa kaliwa o sa bandang kanan. 

Makakabuti rin kung laging buksan ang head light ng inyong motorsiklo para madali ka nilang makita. 

Dapat ikaw ay maging alesto rin sapagka’t baka biglang kumanan o kumaliwa ang sasakyang nasa inyong unahan o kaya’y baka bigla itong huminto. Dapat ay nananatiling nasa tamang distansya at tantiyahin kung sakali mang mag-brake ng alanganin ang sasakyan. 

Malaki rin ang tulong kung ikaw ay nasa bandang gilid ng sasakyan dahil makikita mo ang mga paparating na mga sasakyan. 

Iwasan ding mag-overtake ng alanganin baka may biglang tumawid na sasakyan o tao na iyong masasagasaan. 

Samantala, gusto mo bang maging smart at cool rider? Napakadali lang! 

Sundin ang batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho ng motorsiklo. 


NOBYEMBRE 6, 2011   -  LINGGO

Ang Lola ni Ramona

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

May nag-text sa atin kahapon. Ang kanyang cellphone number ay 09267648939. Narito ang kanyang text. 

“Sa mother side nina RJ at Ramona Revilla sa kanilang Lola Lyn Madrigal ay mayroon na ring Cain at Abel case. Lola Lyn Madrigal ay dating lider ng isang sindikato sa Olongapo. Dati siyang hostess doon. Kay Lola Lyn nagmana ang tapang at dugong kriminal sina RJ at Ramona.“

***

Mayroon pang nag-text sa PHLRC kahapon. 

Diyan daw sa Pildera 2 P.C. sa Brgy. 193 Zone 20 sa pamumuno ni Kapitana Yolanda Chavez ay hindi raw humaharap ‘pag may nagrereklamo. At ang mga tanod daw niya ay kinukonsinte niya dahil minsan daw ay may hinuli ang mga tanod niya, ikinulong sa banyo at pinagbintangang magnanakaw. Ang mga menor-de-edad ay sinabitan pa ng placard at kinunan ng litrato. Aksyon, DILG!

***

HINOLDAP ng tatlong kalalakihan kamakalawa ng alas-5:30 ng madaling araw ang financee ni Ka. Dhionel Pilan ng PHLRC na si Ka. Flor Manza diyan sa San Andres Avenue, Pasay City. 

Natangay ng mga kawatan ang bag ni Sis Flor na may laman na 2 cellphone, P6,000 cash at iba pang mahahalagang dokumento. 

Suwerte na lang at walang masamang nangyari kay Sis Flor. 


NOBYEMBRE 5, 2011   -  SABADO

UPDATE SA PHLRC

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

First, update muna tayo sa PHLRC. 

1. Kanselado po ang unofficial trip ng samahan sa Tagaytay City sa darating na Linggo. 

2. Imbitado ang PHLRC riders sa kaarawan ng may-bahay ni Ka. Spider sa darating na Nobyembre 13 (Linggo ng gabi). Magkita-kita ang grupo sa bahay ni Ka. Rico sa Quezon City, alas-7:00 ng gabi. 

3. Sa Nobyembre 20 ang General Monthly Assembly Meeting ng samahan na gaganapin sa Quezon City Circle sa oras na alas-9:00 ng umaga. Pinakikiusapan ang lahat ng PHLRC riders na umaattend sa meeting na ito dahil may malaking proyekto ang samahan para sa taong ito. Ito rin ang araw ng release ng bagong plaka at ID ng mga kasapi sa samahan. 

4. Sa Nobyembre 23, ang PHLRC riders ay mangunguna sa motorcade na idaraos ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag (AFIMA) at National Press Club (NPC). Layon ng motorcade na ito na kalampagin ang pamahalaan para makamit na hustisya ng mga biktima ng Maguindanao Massacre. Sa Nobyembre 23 ang Ika-2 Anibersaryo ng karumal-dumal na krimen na hanggang ngayon ay hindi pa rin nakamit ang hustisya ng mga biktima. 

***

Nasa mahigit 18,000 na ang nanonood ng video clip ng PHLRC sa Youtube na may pamagat na PHLRC Driving Safety Campaign.   


NOBYEMBRE 4, 2011   -  BIYERNES

BUKAS ANG PINTO NG PHLRC SA MGA GUSTONG MAGBALIK-LOOB

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!

Lalarga ang PHLRC riders sa Tagaytay sa Linggo, Nobyembre 6.

Yes! Ito ay bahagi ng tinatawag naming ‘unofficial trip’ kung saan isasailalim namin ang mga bagong kasapi kung natutunan na nga ba nila ang opisyal na mga hand signals ng aming samahan. Diyan po kasi kami medyo mahigpit. 

Opo, mahigpit... sapagka’t mahirap bumiyahe ang grupo sa alinmang destinasyon na walang sapat na kaalaman ang miyembro hinggil sa mga hand signals... dito maaaring mangyari na magkaroon ng aksidente sa daan.

***

Inulan ng text messages ang PHLRC kahapon. 

Ito ay may kaugnayan sa inilathala natin kahapon kung saan binigyan natin ng babala ang ating mga kababayang nagmo-motor na ‘wag mag-angkas ng bata sa motorsiklo. 

Bakit? 

Ang bata po ay malalambot lang ang mga buto, sa oras na magkaroon ng aksidente, posibleng may masamang mangyari sa kanya.

Ligtas ba ang bata na iangkas sa motor na may suot na helmet? 

Hindi po. 

Bakit kanyo? 

Gaya ng sinabi ko sa itaas, ang bata po ay malambot pa ang kanyang mga buto, kapag matumba... posibleng may masamang mangyari sa kanya. Kaya, pakiusap sa mga magulang o kung sino pa ‘yung mga nagmo-motor diyan, ‘wag na ‘wag n’yong iangkas ang bata sa motor.... sa oras na may masamang mangyari sa kanya, parang kayo na rin ang naglagay sa kanya sa kapahamakan. 

Uulitin po namin, HUWAG IANGKAS ANG BATA SA MOTOR! 

***

TOTOONG maganda ang kampanya ngayon ng PHLRC riders na may kinalaman sa driving safety. 

Kahapon, personal kong pinuntahan si Pareng William De Guzman sa kanilang bahay sa Cavite. 

Pagdating ko sa kanila, wala siya sa kanilang bahay. Umalis daw. 

Nakita ko na ‘yung bata na iangkas niya kamakalawa ng gabi na nasa kanilang bahay lang. Hindi niya isinama ang bata sa lakad niya. 

Nalaman ko na kaya pala hindi isinama ang nasabing bata dahil natakot na raw si Pareng William na iangkas ang bata sa motorsiklo mula nang mabasa niya ang mga mensaheng nakasaad sa aming mga flyers na may pamagat na “Isuot ang helmet bago bumiyahe at ‘wag mag-angkas ng bata sa motorsiklo.” 

Many thanks po!

***

SAMANTALA, unti-unti nang nagpaparamdam ang mga dating miyembro sa PHLRC na tumiwalag sa samahan kamakailan dahil sa panlalason ng mga itinalagang opisyales noon na unang tumiwalag dahil sa pansariling interes.

Anila, nalilinawan na sila kung ano nga ba ang totoong nangyari.

Gayunman, nais kong lilinawin sa iba pang tumiwalag na mga miyembro noon, bago kayo magdesisyon, pakinggan n’yo muna ang side ng grupo gayundin ang side ng inyong lingkod bago kayo magpasya. 

Ika nga sa traffic rules, stop, look and listen bago kayo magpatuloy. 

Dapat n’yong tandaan, na may mabigat na parusa sa mga taong mahilig mag-counterflow. 

Bukas po ang pinto ng PHLRC para sa mga gustong magbalik-loob.

Nasa PHLRC ang hinahanap n’yong katotohanan at kasiyahan. 

***

ILANG araw mula ngayon, ang PHLRC riders ay gagawin nang Task Force Remate, pero ganu’n pa rin ang pangalan ng grupo. 

At ilang araw na lang din mula ngayon, ang PHLRC ay mababasa na rin sa pahayagang REMATE. 

Please standby para sa iba pang update...

I love you, PHLRC! 


NOBYEMBRE 3, 2011   -  HUWEBES

KAMPANYA NG PHLRC LALO PANG PAIIGTINGIN

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Lalo pang paiigtingin ang kampanya ng PHLRC riders hinggil sa pagbibigay ng payo, paalala at babala para sa mas ligtas na pagmamaneho ng motorsiklo. 

Gagawin namin ito matapos tumanggap ng positibong reaksyon ang aming samahan mula sa ating mga kababayang nagmo-motor na nakatanggap ng mga flyers o polyeto na may babalang “Isuot ang helmet bago magmaneho ng motorsiklo. ‘Wag mag-angkas ng bata sa motorsiklo!”

Opo, marami tayong mga kababayan na nagpapasalamat, na ayon pa sa kanila, mayroon palang isang samahan (PHLRC) na handang tumulong sa publiko lalo na sa mga nagmo-motor at nagmamalasakit para sa kanilang kaligtasan. 

Alam n’yo ba, mismo ako na ang sumita sa aming reporter na si Pareng William De Guzman nang makita ko itong nag-angkas ng bata sa kanyang motorsiklo. 

Sa totoo lang, noong makita ko ang bata na nakaangkas sa motor ni Pareng William, kaagad ko siyang kinausap at pinakiusapan na kung maaari ay ‘wag na niyang ulitin na iangkas ang bata sa motor dahil sa oras na maaksidente hindi madamay ang inosenteng paslit.

Noong una, napuna ko na parang binaliwala lang ni Pareng William ang aking pakiusap nguni’t nang makita niya ang isang 3-anyos na paslit na nahati at humiwalay ang katawan matapos banggain ang dambuhalang mixer truck ang sinakyan niyang motorsiklo kung saan ang lolo niya ang nagmamaneho... natauhan si Pareng William. 

Sabi ko sa kanya, sana ‘wag niyang hintayin na mangyari o matulad sa kanyang anak ang sinapit ng isang 3-anyos na paslit na namatay sa aksidente.

Kaya, kayong mga nagmo-motor... hangga’t kung maaari, ‘wag na ‘wag n’yong iangkas ang bata sa inyong motor. 

Tandaan: Laging nasa huli ang pagsisisi. 


NOBYEMBRE 02, 2011   -  MIYERKULES

ROAD TRIP SA NUEVA ECIJA AT PANGASINAN

BROOM broom sa lahat ng nagmomotor nationwide!

Hindi lang basta saya kundi mega sa saya ang road trip ng ilang kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) nitong Oktubre 30, 2011 sa Cuyapo, Nueva Ecija at Bayambang, Pangasinan. 

Alas-5:30 na ng madaling araw nag-take-off ang PHLRC riders mula sa bahay ni Ka. Rico... pero ‘di muna kami dumiretso sa Nueva Ecija kundi pinuntahan muna namin si Pareng Lord Peter Spider matapos na tumirik ang kanyang motorsiklo sa Sampaloc, Maynila. 

At nang maayos sa tulong ng ating mga kapatid sa PHRLC saka lamang tumulak ang grupo sa aming pupuntahan. 

Pero nauwi pa sa katatawanan ang biyaheng iyon dahil paulit-ulit nagkaaberya ang Yamaha Mio Soul ni Pareng Spider habang binabagtas namin ang kahabaan ng McArthur Hi-way patungo na Malolos, Bulacan. Mabuti na lang at may magaling na mekaniko na nag-repair sa sasakyan ni Pareng Spider. 

Infairness, habang inaayos ang motor ni Pareng Spider, sinamantala naman ng ilang PHLRC riders ang pamumudmod ng mga flyers sa mga nagmomotor sa pangunguna ni Ka. Jhun Benitez. 

Dahil din doon, sumama na sa amin si Ka. Rudy na taga-Malolos. 

Alas-9:30am ang resume ng biyahe namin at dumating kami sa Brgy. Piglisan, Cuyapo, Nueva Ecija ng ala-1:00 ng hapon. 

Wow! ‘Pag sinuwerte nga naman... ang sarap ng mga pagkain na inilatag ng mga kapamilya ni Ka. Alvin Runas. Naroon ang paborito kong papaitan na niluto ni George Biajenes, perfect na pagkaluto ng kaldereta at kilawing kambing. Nagkatay pala sila ng kambing para lamang sa PHLRC riders na bumisita sa kanilang lugar! Ang galing! 

Nakatulog kami sa sobrang busog, he he he! 

Nang araw na iyon, napag-usapan namin na ituloy ang biyahe sa Baguio City pero napurnada matapos na bumuhos ang ulan at nagkaroon pa ng makapal na fog sa lugar. Next time na lang daw. Kaya, tumulak ang grupo namin patungo sa Bayambang, Pangasinan, ang bayan ni PHLRC Vice President Ronnie Terrado at Ka. Rudy.

Saglit kaming nag-stop over sa palengke ng Bayambang dahil bumili si Ka. Ronnie ng pasalubong para sa kanyang mga kapamilya. 

Sinamantala naman iyon ng PHLRC na mamigay ng mga flyers lalo pa’t nakita namin na lahat ng nagmomotor doon ay hindi nagsusuot ng helmet. 

Para kaming mga celebrity dahil dinumog na kami ng mga tao! Ha ha ha! 

Sabi pa ng ilan, mga pulis daw kami galing Maynila dahil may hawak-hawak kaming mga handset radio. 

Marami ang nagsabi lalo na yang mga tricycle driver na maganda ang layunin ng aming samahan. Tenk u! 

Pagkatapos ay tumulak na kami sa bahay ni Ka. Ronnie. 

Kaagad silang nagpakatay ng manok para sa aming hapunan. 

Nilisan namin ang nasabing lugar dakong ala-1:30 na ng madaling araw nitong Lunes. 

Banaag sa aming mga mukha ang saya sa road trip naming iyon. Sulit na sulit kahit pagod. 

Maraming salamat sa mga kapatid namin sa samahan na sumama sa nasabing road trip na sina Ka. Ronnie Terrado at Karen Rocero, Ernesto Padigdig at Maricel Lajom, Jhun Benitez, Ka. Rudy, Ka. Pole, Ka. Rolly Malupa, Ka. Alvin Runas, at inyong lingkod kasama ang aking may-bahay. Special guest namin sa biyaheng iyon si Pareng Lord Peter Spider na willing na willing nang sumapi sa PHLRC. 

Samantala, inimbitahin ni Pareng Spider ang PHLRC riders kaugnay ng kaarawan ng kanyang misis sa darating na Nobyembre 13 (Linggo). Litson baboy lang daw ang handa nila para sa PHLRC riders.

Muli, maraming-maraming salamat sa lahat ng nagmamahal sa PHLRC. 

Nasa samahang ito ang hinahanap n’yong katotohanan at kasiyahan. 

Ingat lagi sa pagmo-motor.


NOBYEMBRE 1, 2011   -  MARTES

DRIVING SAFETY CAMPAIGN, ISINAGAWA NG PHLRC SA BAYAMBANG, PANGASINAN

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Inilunsad ng PHLRC riders kamakalawa ng hapon sa Concepcion, Bayambang, Pangasinan ang Driving Safety Campaign kung saan namigay ang grupo ng mga polyeto o flyers sa mga kababayan nating nagmo-motor sa nasabing lugar. Nagmistulang celebrity naman ang PHLRC riders dahil dinumog ang mga ito ng mga tao habang namimigay ng mga polyeto. 

Kapansin-pansin naman na halos lahat ng nagmo-motor doon ay hindi nagsusuot ng helmet. May napuna rin kami na ‘yung ibang nagmo-motor ay dalawa ang angkas.

May mga bata rin na inangkas sa mga motor. Diyos ko, nakakakot! 

*** 

Samantala, sa larawan na inyong nakikita sa kaliwa... nagpakuha ng litrato ang PHLRC riders kasama ang mga kamag-anak ni Ka. Alvin Runas, PRO ng PHLRC, nang magtungo sa kanilang lugar sa Brgy. Piglisan, Cuyapo, Nueva Ecija. Busog na busog kami!   

Abangan bukas ang kumpletong detalye sa aming lakad kamakalawa.  

Bukas ulit, mga ka-riders!


OKTUBRE 31, 2011   -  LUNES

PHLRC RIDERS SA IKA-2 ANIBERSARYO NG MAGUINDANAO MASSACRE

BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Sa darating na ika-23 ng Nobyembre ng taong ito, pangungunahan ng PHLRC riders ang motorcade na isasagawa ng Alyansa ng Filipinong Mamamahayag sa pangunguna ni Big Boss Benny Antiporda na siyang presidente ng AFIMA at National Press Club sa pangunguna naman ni Mr. Jerry Yap na siyang pangulo ng NPC.

Ang nasabing motorcade ay may kaugnayan sa ikalawang anibersaryo ng karumal-dumal na Maguindanao massacre kung saan hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng hustisya ang mga biktima. 

Layon ng motorcade na ito na kalampagin ang pamahalan na mabigyan na ng hustisya sa lalong madaling panahon ang mga biktima ng masaker na kagagawan umano ng mga Ampatuan. 

Ilan sa mga biktima sa nasabing masaker ay mga mamamahayag. 

Samantala, many thanks kay Ka. Alejandro “Ka. Jojo” Parrilla Jr. na personal na dumalo sa tanggapan ng inyong lingkod.

Bukas ulit... 


OKTUBRE 29, 2011   -  SABADO

MOTORCYCLE RIGHTS ASSOCIATION, PASIKAT LANG! 

Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide! 

Tutol ang Pinoy Hot Line Riders Club sa petisyon ng Motorcycle Rights Association na dapat nang itigil o ihinto ang pagpapatupad ng eksklusibong motorcycle lane scheme ng Metro Manila Development Autority (MMDA) sa Commonwealth Avenue sa Quezon City dahil hindi umano ito dumaan sa public hearing. 

Tumaas ang kilay ng ating mga kababayan sa nasabing petisyon ng naturang grupo. 

Hindi ko alam kung nag-iisip ng mabuti o sadyang gusto lang magpasikat ang Motorcycle Rights Association na ito. 

Ang kanilang dahilan, parang sinasakal daw ng MMDA ang karapatan ng mga motorcycle riders sa paggamit ng kalsada nang walang limitasyon. 

Parang ikinulong daw ng panibagong traffic scheme na ito ang karapatan ng motorcycle riders, na kung tutuusin ay public hi-way naman ito. 

Ang Commonwealth Avenue sa Quezon City ay minsan nang binansagang “Killer Hi-way” dahil sa marami ang namamatay sa naaksidente rito araw-araw na kinasasangkutan ng motorsiklo.

Kung nag-iisip ng matino ang Motorcycle Rights Association na ito, ‘wag sana nilang ipapahamak ang buhay ng ating mga kababayang nagmo-motor dahil sa pansariling interes lamang nila. 

Oo, alam natin na pampublikong daan ang Killer Hi-way pero marami nang nagmo-motor ang naaksidente sa nasabing hi-way dahil sa mga gago at abusadong driver ng mga higanteng bus at trak na kung magpaharurot ay parang sila na ang hari sa daan. 

At simula nang ipatupad ng MMDA ang pagkakaroon ng sariling lane para sa mga motorsiklo, nabawas-bawasan na ang mga aksidente roon. 

Ito lang ang mensahe ko sa mga Motorcycle Rights Association, siguro... binigyan na kayo ng libreng kabaong ng mga punenarya... para kasing handa na kayong mamatay. 

Okey lang magpasikat pero dapat din natin isaalang-alang ang buhay ng mga kababayan nating nagmo-motor. Naiisip n’yo ba ito, mga pare ko?  

***

Samantala, bukas ng alas-4:00 ng madaling araw, lalarga na ang PHLRC riders! 

Ang grupo ay magkikita-kita sa bahay ni Ka. Rico Rocero, isa sa mga board of trustee ng PHLRC, sa Brgy. Paltok, Quezon City. 

Kita-kits! 


OKTUBRE 28, 2011   -  BIYERNES

BROOM broom sa lahat ng nagmomotor nationwide! 

Habang patuloy na gumugulong ang araw, patuloy namang lumalago ang PHLRC. 

Bakit kanyo? 

Kamakalawa ng gabi, iminungkahi ni Boss Benny Antiporda, dating presidente ng National Press Club (NPC) at presidente naman ngayon ng Alyasang Filipinong Mamamahayag (AFIMA), at siyempre pa, publisher ng mga pahayagang Remate, Remate Tonite at Bagong TORO, na gagawing Task Force Remate ang PHLRC riders. 

Malaki kasi ang maitutulong ng bawat rider sa paghahatid ng pinakasariwang balita dahil ang bawat isa sa kanila ay bumibiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila maging sa kalapit na mga probinsya. 

Ang usaping ito ay patuloy pa naming pinag-uusapan... standby lang, PHLRC riders. 

***

At dahil nasa Bagong TORO na kami ngayon, siyempre pa bago na rin ang PHLRC ngayon. 

Hindi lang iyan... at dahil puno na rin ng mga friends ang account ng PHLRC sa Facebook, gagawa na naman kami ng panibagong account. Galing! 

At dahil bago na ang PHLRC ngayon... sa wakas, nahanap na rin ang susi para lalo pang tumibay ang samahang ito na magkaroon ng katuparan ang aming mga pangarap.

Muli, standby lang... hindi po tayo nagmamadali, at ako mismo ay naniniwala na ang biyaya para sa samahang PHLRC ay nariyan lang. Naghihintay lang ng tamang pagkakataon. 

*** 

Simula sa Nobyembre ng taong ito, magpapalit na ng anyo ang PHLRC riders. 

Anyo? Yes, magpapalit na kami ng plaka. 

Ang plaka ng PHLRC ay lalagyan na namin ng malaking letrang PRESS dahil, sa totoo lang, ang samahang ito ay araw-araw nababasa sa mga pahayagan.

Ang identification card din namin ay babaguhin na rin, lalagyan na rin namin ito ng malaking letrang PRESS. 

At siyempre, lahat ng kasapi sa PHLRC ay sasailalim muna sa media workshop na pangungunahan ng inyong lingkod. 

***

Sa susunod na taon, magpapalit na rin kami ng uniporme... mas astig ang dating pero ganu’n pa rin ang aming logo. 

***

Ang PHLRC riders ay nakasentro ngayon sa mga proyekto na may kinalaman sa driving safety measures para sa mga kababayang nagmo-motor. 

Maraming-maraming salamat po sa lahat ng mga kapatid sa samahan na patuloy na nagmamahal sa PHLRC. 

Tandaan... atin ito! Tayo ang tunay na may dugong PHLRC.

Mararamdaman n’yo iyan sa tuwing maririnig ninyo ang kanta ng bandang The Dawn na “Salamat”. 


OKTUBRE 26, 2011   -  MIYERKULES

PHLRC RIDERS, LALARGA SA SUBIC SA DARATING NA LINGGO

BROOM broom sa lahat ng nagmomotor nationwide! 

Kumusta na kayo lalung-lalo na sa lahat ng mga kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club? Mainit pa ba ang papaitan natin diyan? Toinkz!

Congrats! Pumalo na sa mahigit 15,000 ang nanonood sa video clip ng PHLRC sa Youtube na may pamagat na PHLRC Driving Safety Campaign. Ayos! 

Kaugnay nito, ang nasabing video clip ay pinalitan na natin kahapon ng pamagat at ito ay “3 Years Old Died in Motorcycle Accident” para higit na makapagbigay atensyon sa mga nanonood. 

Sa ibang dako, daily updated na rin ang website ng PHLRC. Basta’t lagi tayong nakababad sa internet, asahan n’yong tuloy-tuloy ang ating update! He he he!

***

Birthday nga pala kahapon ng aming mahal na Pangulo sa PHLRC na si Ka. Fredelito Modesto. 

Belated happy birthday, Ka. Freddie! 

Nawa’y bigyan ka pa ng ating Poong Maykapal ng malakas at malusog na pangangatawan nang sa gayo’y patuloy n’yong mapapaglingkuran at masusubayan ang ating samahan. 

Muli, happy birthday sa iyo, Ka. Freddie. 

Luto na ba ang papaitan? Ngeek! 

***

Sa darating na Linggo, lalarga na ang PHLRC riders sa Subic, Zambales. 

Ito ay unofficial trip ng samahan para sa buwang ito. 

Happy trip! 

Kita-kits ulit bukas! 

I love you, PHLRC!


OKTUBRE 25, 2011   -  MARTES

Halos 200, huli sa unang bugso ng pagpapatupad ng motorcycle lane sa QC

Halos 200 motorcycle rider ang nahuli ng mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa unang bugso ng pagpapatupad kahapon ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Hanggang kahapon ng alas 10:00 ng umaga, umabot na sa 186 ang mga nahuli, kabilang ang dalawang pulis.

Bagama’t hindi na isinasailalim sa seminar ang mga nahuhuli kagaya sa dry run noong nakaraang linggo, pinapatawan naman ng P500 multa ang mga nahuhuling hindi dumadaan sa motorcycle lane.

Hinuhuli rin ng mga tauhan ng MMDA ang mga motorcycle rider na hindi naka-helmet at hindi sumusunod sa dress code kagaya ng mga naka-shorts at nakatsinelas.

Samantala, kinontra ng Motorcycle Philippines Federation ang iginigiit ng isa pang grupo ng motorcycle riders na walang ginawang public consultation ang pagpasa ng ordinansa para sa paglalagay ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Sa panayam, sinabi ni Atoy Santa Cruz, Pangulo ng Motorcycle Philippines Federation na matagal nang may ginagawang konsultasyon sa paglalagay ng 'blue lane' at sila mismo ay dumadalo sa mga ito.

Inakusahan ni Santa Cruz ang grupong Motorcycle Rights Association ni Jobert Christian Bolaños na siyang hindi sumisipot sa mga konsultasyon na ginagawa ng iba't ibang ahensya ng pamahalaan gaya ng Land Transportation Office (LTO).


OKTUBRE 24, 2011   -  LUNES   

Full implementation ng motorcycle lane, ngayon na; P500 multa, ipapataw sa mga lalabag

Ipatutupad na ngayon ang paggamit ng blue lane o motorcycle lane sa Macapagal Boulevard sa Pasay at Parañaque City at Commonwealth Avenue sa Quezon City matapos ang isang liggong dry run.

Simula ngayon ay sisingilin na ng P500 multa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang mga nagmomotorsiklong hindi susunod sa motorcycle lane.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, ang motorcylce rider na nahuli na sa umaga at namultahan na ay maaari pa ring mamultahan kung muling mahuling hindi sumusunod sa motorcycle lane.

Sa isinagawang dry run, nasa 1, 982 motorcycle rider sa Macapagal Boulevard ang nabigyan ng on-the-spot seminar at nalagyan ng sticker matapos lumabag sa itinakdang motorcycle lane habang 1, 469 naman ang nahuli sa Commonwealth Avenue.


OKTUBRE 23, 2011   -  LINGGO   

Motorcycle Driving Tips (2)

Glance at your rear-view mirror before turning. When overtaking a vehicle in front, you should pass to the left of that vehicle. You should dim your headlight or switch to low beam when meeting an oncoming vehicle at night. Avoid abrupt stops, starts and turns. You should use your horn sparingly.

“Beware of lane switching, too-close driving, high-risk overtaking & swarming motorcycles”

In addition, every motorcycle driver should ensure that both his or her feet should rest flat on the ground, rather than just the toes touching the ground or with the motorcycle leaning to one side, when the motorcycle is not moving. The rear passenger should not be seated too far to the back in order not to unnecessarily make the vehicle difficult to handle and steer. The motorcycle driver should check the front and rear brakes and chain tension before every trip. Ensure that both brakes respond quickly to a normal lever pressure by the driver and that the chain tension is neither too tight to risk breakage nor too loose to be easily disengaged. Both tires should be inflated to the right pressure. Excessive pressure is very dangerous especially when the air gets heated from use, because a tire blowout causes the driver to lose control and can result in fatal injury. Too low a pressure, on the other hand, will cause sluggish travel and poor handling and will tax the engine too much.

Note that a motorcycle is often less visible to pedestrians and other motorists as well. A prudent motorcycle driver will keep this in mind and will approach turns calculatingly and use speed judiciously or moderately. He or she will ensure extra visibility during night driving by switching on the headlights and red rear light, using brightly coloured reflectors on the motorcycle, and by wearing light-coloured clothing. Defensive driving and obeying traffic rules and signs are especially important for motorcycle riders.


OKTUBRE 22, 2011   -  SABADO  

Motorcycle Driving Tips (2)

Glance at your rear-view mirror before turning. When overtaking a vehicle in front, you should pass to the left of that vehicle. You should dim your headlight or switch to low beam when meeting an oncoming vehicle at night. Avoid abrupt stops, starts and turns. You should use your horn sparingly.

“Beware of lane switching, too-close driving, high-risk overtaking & swarming motorcycles”

In addition, every motorcycle driver should ensure that both his or her feet should rest flat on the ground, rather than just the toes touching the ground or with the motorcycle leaning to one side, when the motorcycle is not moving. The rear passenger should not be seated too far to the back in order not to unnecessarily make the vehicle difficult to handle and steer. The motorcycle driver should check the front and rear brakes and chain tension before every trip. Ensure that both brakes respond quickly to a normal lever pressure by the driver and that the chain tension is neither too tight to risk breakage nor too loose to be easily disengaged. Both tires should be inflated to the right pressure. Excessive pressure is very dangerous especially when the air gets heated from use, because a tire blowout causes the driver to lose control and can result in fatal injury. Too low a pressure, on the other hand, will cause sluggish travel and poor handling and will tax the engine too much.

Note that a motorcycle is often less visible to pedestrians and other motorists as well. A prudent motorcycle driver will keep this in mind and will approach turns calculatingly and use speed judiciously or moderately. He or she will ensure extra visibility during night driving by switching on the headlights and red rear light, using brightly coloured reflectors on the motorcycle, and by wearing light-coloured clothing. Defensive driving and obeying traffic rules and signs are especially important for motorcycle riders.


OKTUBRE 21, 2011   -  BIYERNES   

DAPAT GAWIN NG RIDER NA MAY ANGKAS NA BUNTIS

Napakakritikal na kondisyon sa isang motorcycle rider ang may kaangkas o kasakay sa minamaneho niyang motor. 

Dapat talaga, hindi isinasakay sa motor ang isang buntis. Pero, kung ito ay iyong misis ay pareho kayong nagtratrabaho’y hindi maiiwasan na sabay kayong magbiyahe. 

Natural, isasakay mo talaga siya.

Dapat lamang na bagalan lang ang takbo ng motor sa bilis na 30-45 kilometro kada oras o mas mababa pa. 

Sa gayun, Hindi ito makaka-apekto sa dinadala ng isang buntis. 

Maging maingat din sa pagmamaneho, tingnan ang dinaraanan lalo na ang mga lubak at huwag gigitgit sa ibang behikulo.

Paupuin ng normal at huwag pabukakang pasakayin ang buntis na gaya ng rider. 

Pasuotin din ng helmet. 

Ngunit, huwag pasuotin masyado ng protective gear upang hindi makaramdam ng irita at hindi komportable ang isang buntis. 

Pasuotin din siya ng maluluwag upang hindi magkaroon ng pressure sa dinadala niyang sanggol. 

Huwag basta-basta pumihit ng pabigla sa kanan o kaliwa upang ‘di dumausdos ang sakay na buntis at hindi ito mahulog. 

Sundin ang payong pangkaligtasan na upang maingatan ang buhay mo lalo na ng iyong minamahal.  


10 PAYONG PANGKALIGTASAN PARA SA MGA RIDERS

1.) Laging maging alisto ang mata o make eye contact. Huwag mong asahang lagi kang nakikita ng ibang motorista. Laging sanayin ang tumingin sa mga drivers ng ibang behikulo na maaaring bumagtas ng biglaan sa iyong dinaraanan.

2.) Basahin ang mga vehicle language pati na rin ang mga drivers, cyclist at ang pedestrian na nalalamang parating ka. Hindi nila batid ang iyong layo at bilis. Huwag kang umasa na nalalaman nila ang gusto mong gawin.

3.) Tingnan ang mga left turning vehicles at intersection. Kapag ikaw ay nabangga ng paparating na sasakyan na kumakambiyo ng pa-kaliwa ay karaniwang sanhi ng pagsimplang ng motorsiklo.

4.) Laging tingnan ang likuran kapag nagmamaneho kapag nasa highway. Tingnan ang iyong salamin at siguraduhing may katamtaman kang espasyo mula sa likuran. Ang mga drivers na nasa likuran mo ay baka hindi magmaneho ng mabagal at baka magitgitan ka ng hindi mo inaasahan.                  (Itutuloy)


OKTUBRE 20, 2011   -  HUWEBES   

‘WAG DALHIN ANG PROBLEMA SA KALSADA

BROOM broom sa lahat ng nagmomotor nationwide! 

Minsan, tayong mga nagmomotor ay may pagkakataon na wala sa mood kapag nagmamaneho ng motorsiklo. 

Kapag may problema tayo, wala tayo sa magandang pag-iisip habang pinapatakbo natin ang ating motorsiklo. 

Dapat natin sanang tandaan na ang problema ‘wag dalhin sa kalsada dahil maaaari itong maging mitsa sa iyong buhay sakaling ikaw ay maaksidente. 

Gawing mahinahon kapag ikaw ay nagmamaneho ng motorsiklo. 

Ugaliing ituon ang atensyon sa manibela ng inyong sasakyan. 


OKTUBRE 18, 2011   -  MARTES  

DRIVING SAFETY CAMPAIGN PROJECT MATAGUMPAY NA NASIMULAN

BROOM broom sa lahat ng nagmomotor nationwide!

Sa unang pagkakataon, matagumpay na nasimulan ng mga kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) ang isang malaking proyekto na naglalayong mabigyan ng paalala at babala ang ating mga kababayang nagmomotor hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho. 

Ang proyektong ito ay may temang “PHLRC Driving Safety Campaign” kung saan ang mga PHLRC riders ay namimigay ng polyeto o flyers sa ating mga kababayang motorcycle riders nitong Linggo, Oktubre 16, 2011 sa West Riverside, SFDM, Brgy. Del Monte, Quezon City. 

Alam n’yo bang nakakataba ng puso kapag pinupuri kami ng ating mga kababayan kaugnay ng proyektong ito ng aming samahan. 

Bagama’t simula pa lang, naging positibo naman ang reaksyon ng ating mga kababayan hinggil sa pagbibigay namin ng paalala sa kanila na laging mag-ingat sa pagmamaneho at ‘wag mag-angkas ng bata sa motorsiklo. 

Sa susunod na pagkakataon, ipagpapatuloy ng PHLRC riders ang nasimulan naming ito. 

Ingats!