Make your own free website on Tripod.com

MARTES 31  ENERO  2012   REMATE

SUBIC TRIP
BROOM broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Naging matagumpay ang road trip ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Subic, Zambales na nilahukan ng 39 riders at 15 backriders.
Dakong alas-3:00 ng ma-daling araw nitong Linggo nang mag-take-off ang grupo mula sa Quezon  City Memorial Circle at dumating naman sa Subic dakong alas-8:00 ng umaga sa nasabing araw.
Tumuloy ang grupo sa Elmolina Beach Resort sa Brgy. Barreto, Subic.
Ang inyong lingkod sampu ng mga opisyales ng PHLRC ay tapos-pusong nagpapasala-mat sa ating masisipag at ma-gagaling na marshalls lalong-lalo na sa mga ride sweepers.
Many thanks din sa ating Medic Team lalong-lalo na sa ating mga mekaniko.  Saludo po ang inyong lingkod sa inyo dahil sa magiting na pagtupad ninyo sa inyong tungkulin.
Samantala, narito ang attendance ng mga sumama sa Subic Trip.
RIDERS:
Even Demata, Brix Dequiña, Vincent Espadera, Jerome Oloroso, Abdul Rakem Ma-sogalao, Ramil Rai, Danilo Salvante, Dennis Matuguina, Marvin Alarcon, Jupiter Gonza-les, Ronnie Terrado, Marvin Maquiling, Nolie Calderon, Ronaldo Polido, Ronel De Guz-man, Henry Sabalboro, Rovir Mahilum, Reynaldo Dispo, Ernesto Padigdig, Renato Jumi-to, Dhionel Pilan, Elton Rey Gori, Rene Tubongbanua, Aaron Sabio, Mark Joseph Sibug, Rasty Boy Bornales, Rolly Malupa, Jerry Gundayao, Jonathan Gundayao, Narciso Mercado, Rolly Rabi, Jose Pequiro, Mark Saguid, Jay Peroso, Jocelyn Denosta, Danilo Liban, Ma. Cecille Carranza, Lorillie Linga.

BACKRIDERS:
  Marivic Morales, Wendel Andres, Melissa Sabdao, Jac-quelyn Labatorio, Krisha Ab-rogena, Maricel Alaran, Karen Rocero, Ann Dela Cruz, Meann Mahilum, Maricel Lajom, Josielyn Malupa, Flor Mamza, Vel Dador, Izel Tan, Nilo Delfin.  


LINGGO 29  ENERO  2012   REMATE
Motorcycle lane, epektibo kontra aksidente
Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Positibo at epektibo ang resulta ng implementasyon ng motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City at Diosdado Macapagal Avenue sa Pasay City, ayon pa kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino.
Sa kabila ng mga reklamo ng mga motorista na takaw sa disgrasya o aksidente ang inilagay na motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, determinado ang MMDA na ituloy ang pagpapatupad nito, bukod pa sa umiiral na speed limit sa nasabing highway.
Ayon kay Tolentino, simula nang ipatupad ang programa ay malaki ang ibinaba ng mga naitatalang aksidente sa motorsiklo sa dating tinagurian na “killer highway.“
Batay sa tala ng MMDA, umaabot sa 44 na aksidente araw-araw ang kinasasangkutan ng motorsiklo sa Commonwealth Avenue, na ngayon ay apat hanggang anim na lamang ang naitatalang sakuna simula nang buksan ang motorcycle lane.
Dahil dito, kumbinsido si Tolentino sa magandang resulta ng nabanggit na programa kaya pinag-aaralan na rin ng ahensiya ang paglalagay ng motorcycle lane sa Epifanio Delos Santos (EDSA) upang mabawasan ang aksidente sa naturang lansangan.
Kamakailan, pininturahan ng MMDA ng matingkad na asul ang lane para sa mga nagmomotorsiklo upang madali itong makita, partikular sa gabi.
Bukod pa ang mga inilagay na signage at mababang concrete separator sa Commonwealth Avenue, para hindi basta-basta masingitan ng mga pribadong sasakyan at pampasaherong bus ang motorcycle lane.
Umaasa naman ang MMDA chief na tuloy-tuloy na ang pagbaba ng bilang ng mga aksidente sa lansangan sa Metro Manila, kaakibat ng disiplina sa pagmamaneho ng motorista at maayos na kon-disyon ng mga ibinibiyaheng sasakyan.

SABADO 28  ENERO  2012   REMATE
‘WAG BALIGTARIN ANG JACKET PAG NAGMAMANEHO
Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
First, binabati natin ng belated happy birthday si Kag. Jaime Iglesias diyan sa Bongato West, Bayambang, Pangasinan na nagdiwang ng kanyang kaarawan kahapon. Ang pagbati ay mula kay Ka Rudy at sa PHLRC riders.
Samantala, sa mga naghahanap ng trabaho, ang Thunder Power Company ay naghahanap ng 50 mason. Ang requirements ay NBI clearance. Maaring mag-apply sa 116 Sampaguita St.,  (oval), Ca-marin, Caloocan City. Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan sa 0999-993-4878 at 0939-5109-483.
***
Minsan, may nakita ang inyong lingkod na nagmo-motor kung saan hindi maayos ang pagkakasuot ng jacket.
Ang ginawa ng ilan ay binaligtad nila ang jacket.
Ang katuwiran ng mga gumagawa nito ay para raw maprotektahan ang kanilang tiyan mula sa malamig na hangin... para raw ‘di sumakit ang kanilang tiyan.
Pero, alam n’yo ba... maniwala kayo o sa hindi, may namatay na nito.
Ayon kay Ka. Jupiter Gonzales, isa sa mga consultant ng PHLRC, isang rider sa Kidapawan City, North Cotabato ang sumemplang ng simple pero namatay matapos puwersang pihitin ng mga residenteng tumulong sa kanya ang kanyang ulo dahil sa pag-akalang bumaligtad ito dahil nga baligtad ang pagkakasuot ng kanyang jacket. Tsk, tsk, tsk!


BIYERNES 27  ENERO  2012   REMATE
ROAD TRIP SA SUBIC TULOY SA LINGGO
Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Nakahanda na ang mga gamit ng ilang riders ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na sasama sa Linggo sa Subic, Zambales kaugnay ng road trip ng samahan na isinasagawa tuwing katapusan ng buwan.
Ang grupo ang magkikita-kita sa Quezon City Memorial Circle (sa dating gawi) sa oras na alas-2:30 ng madaling araw.
Bilang bahagi ng paghihigpit ng samahan, eksaktong alas-3:00 ng madaling araw ay magte-take-off na ang grupo. Pasensya na po sa mga mahuhuli.
Paalala sa ilang riders na hindi pa nakahanda, ipa-check up n’yo na ang inyong mga motor ngayon para maiwasan ang iba pang aberya habang tayo ay bumibiyahe.
Iba pang kakailanganin:
1. Maong pants
2. Jacket ng PHLRC (kung wala pang uniporme, itim na jacket ang isusuot)
3. Safe na sapatos o bota (bawal ang tsinelas at naka-short pants – rider o backrider)
4. Bawal ang half-face na helmet (di puwede ang helmet na pang-bisikleta)
5. Guwantes
6. Raincoat o kapote
7. Sunglass
8. Tool kit
9. Lubid panghatak
10. Extrang damit (bihisan, panligo)
11. Extra na pera pang-emergency
12. Driver’s license at rehistro ng motor
13. At magdala ng pang-almusal
14. Extra interior
It’s more fun in PHLRC!
***   
Happy PHLRC reading to Miss Eunice Santos, Renz, Kaloy, and Jen-Jen of Paulino’s Eatery in Tarcan, Baliuag, Bulacan.
Nice meeting you all!

HUWEBES 26  ENERO  2012   REMATE
Ugaliing magsuot ng Helmet
Ang motorcycle helmet ay isang uri ng protective headgear na ginagamit ng motorcycle riders. Ang pangunahing layunin ng motorcycle helmet ay para sa seguridad ng mga rider upang maprotektahan ang kanilang ulo sa panahon nang pagsalpok, sa gayon pinaiiwas o binabawasan ang pinsala sa ulo o mailigtas ang buhay ng isang rider. Ilan sa mga helmet ay nagbibigay ng karagdagang kaginhawahan gaya ng kaluwagan, kalasag sa mukha, proteksyon sa tainga, intercom at iba pa.
Mataas ang panganib sa banggaan sa trapiko ang mga nagmomotorsiklo. Nasuri noon sa 2008 systematic review, ang pag-aaral sa mga motorcycle rider na sumalpok, at nakitang namagitan ang helmet. Kabilang sa review ay ang pagbabawas ng mga helmet sa peligro sa pagkakaroon ng pinsala sa ulo mula sa may 69% at kamatayan na may 42%. Ilang pag-aaral rin ang nagmumungkahi na ang mga helmet ay nagbibigay rin ng proteksyon laban sa facial injury pero wala umanong epekto ito para magkaroon ng  pinsala sa leeg, bagaman kinakailangan pa ng maraming pananaliksik para makakuha ng kasagutan dito.
Full face
Ang full face helmet ay tuma-takip sa kabuuang ulo, kasama ang hulihang sumasaklob sa bungo, at isang protective section para sa harapan ng baba. Ang nasabing mga helmet ay may open cutout sa buong mata at ilong, at madalas na may kasamang malinaw o tinted transparent plastic face shield, na tinatawag na visor, na pangkalahatang umiikot pataas at pababa para mabigyan ng daanan ang mukha.
Marami sa mga full face helmets kabilang ang labasan na nadaragdagan ng hangin sa rider. Mahalagang nakaaakit sa nasabing mga helmet ay ang kanilang pananggalang. Hindi naman nagugustuhan ng ilang mga nagsusuot nito ang karagdagang init, pakiramdam na nakabukod, kawalan ng hangin, at nakababawas sa pandinig ang gayong mga helmet. Ang full face helmets ay ginawa para sa off-road use, minsan ay naaalis ang face shield, pero napapang-abot ang visor at chin portions para madagdagan ang ventilation, dahil ang riding off-road ay masyadong nakapapagod na gawain.
Ipinakita sa pag-aaral na ang full face helmets ay nag-aalok ng proteksyon nang higit sa lahat sa mga motorcycle rider dahil 35% ng mga pagsalpok ay kinakitaan ng  major impact sa chin-bar area.

MIYERKULES 25  ENERO  2012   REMATE

MARAMI NANG NATUTUNAN ANG PHLRC RIDERS

Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Kasabay ng General Monthly Assembly Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa Quezon City Circle noong Linggo, Enero 22, personal natin silang naturuan kung paano gumawa ng balita... ito ay tinatawag na media workshop and seminar.
Sa katulad kasi naming mga riders, na araw-araw bumibiyahe, ay madalas nakakikita ng mga aksidente sa mga lansangan, kaya ito ang dahilan... na maliban sa misyon naming nagbibigay ng paalala at babala sa ating mga kababayang nagmo-motor na laging mag-ingat sa pagmamaneho, kasama na rin sa layunin ng PHLRC ang mangalap ng mga balita at impormasyon para maihatid sa ating mga kababayan.
Kamakalawa, isang PHLRC rider na si Ka. Eladio Milar ang nakakuha ng balita hinggil sa pagkakahuli ng isang lalaki matapos salakayin ng awtoridad ang isang bahay na pugad ng iligal na droga sa Brgy. San Roque sa Tandang Sora Ext., Quezon City.
Ang nahuli ay nakilalang si Jojo Acala, 36, habang ang nakahuli naman ay si SPO3 Joy Marcelo ng PCP 2 ng Brgy. Talipapa, Quezon City.
*** 
Samantala, malaki ang tiwala ng inyong lingkod na lalo pang mapalalago ng bagong talagang mga opisyales ng samahan sa pangunguna ni President Ronnie Terrado katuwang si Vice President Ernesto Padigdig.
Siyempre pa, ako po ay nakikiusap sa lahat ng mga kasapi na tayo’y makiisa sa anomang ak-tibidad ng PHLRC. 

MARTES  24  ENERO  2012   REMATE

ENJOY RIDE, ENJOY LIFE, SAVE MORE LIVES!

Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Sa araw na ito, ipagpapatuloy natin ang paglalathala sa mga bagong opisyales ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) para sa taong ito. Naubusan po tayo ng espasyo kahapon.

Medic:
1. Jocelyn Denosta
2. Lorillie Linga
3. Ma. Cecille Carranza
4. Ma. Theresa Tabilog
5. Meann Mahilum

Business Manager:
Marces Jarencio

Assistant Business Manager:
Rene Tubongbanua

***
Samantala, mahigpit ang kampanya ng PHLRC para sa taong ito.
Ang tema ng aming kampanya ay “Enjoy Ride, Enjoy Live, Save More Lives!”
Lalo pang tututukan ng PHLRC riders ang pagbibigay ng mahigpit na babala at paalala sa ating mga kababayang nagmo-motor na ugaliing magsuot ng helmet bago magmaneho.
Alam po kasi natin na karamihan sa mga namatay sa aksidente ay ang hindi pagsusuot ng helmet ng rider at backrider.
Napakasimpleng bagay na binabaliwala ng ating mga kababayan.
Bakit nga ba? Masama bang isuot ang helmet?
Hindi ba nila alam na maaaring maging kapalit ng buhay nila ang hindi pagsusuot ng helmet kapag nabagok ang ulo nila sa semento o kaya’y sa bato. Tsk, tsk, tsk!
Nakatutok din ang PHLRC riders sa bawal na mag-angkas ng bata sa motorsiklo. 
Abangan...


LUNES 23  ENERO  2012   REMATE

BAGONG OPISYALES NG PHLRC PARA SA 2012

Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Naging matagumpay ang General Monthly Assembly Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) kahapon para sa buwan na ito na ginanap sa Quezon City Memorial Circle, na dinaluhan ng 85 riders, hindi pa kasama rito ang backriders.
Pormal din nating naturuan ang lahat ng kasapi para sa PNP Checkpoint Seminar, Media Seminar and Workshop, bagong rules and regulation ng samahan, at paghihigpit ng PHLRC sa taong ito.
Samantala, congratulations sa lahat ng bagong opisyales ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) para sa taong 2012.

Founder:
Even G. Demata
Directors:
1. Even Demata
2. Rico Rocero
3. Ruben Cabrillas Jr.
4. Rolly Malupa 
5. Freddelito Modesto

Consultants:
1. Jupiter Gonzales
2. Glen Calalang
3. Diosdado Benitez Jr.

President:
Ronnie Terrado

Vice President:
Ernesto Padigdig

Treasurer:
Karen Rocero

Assistant Treasurers:
1. Irene Gonzales
2. Ma. Theresa Tabilog

Auditor:
Alejandro Parilla Jr.

Assistant Auditors:
1. Ronel De Guzman
2. Dioscorro Policarpio

Secretary:
Maricel Lajom
Assistant Secretaries:
1. Flor Mamza
2. Dhel Manasis
3. Annabelle Dela Cruz

P.R.O:
Alvin Runas

Assistant P.R.O:
Dhionel Pilan

P.IO.:
Danilo Delfin

Sgt. at Arms:
1. Reynaldo Dispo
    (Chief)
2. Rovir Mahilum
3. Arthur Aranjuez
4. Enrique Sabalboro
5. Dan Liban
6. Jose Piquero

Medic:
1. Jocelyn Denosta
2. Lorillie LInga
3. Ma. Theresa Tabilog
4. Meann Mahilum

Mechanic:
1. Aaron Sabio
2. Mark Saguid
3. Mario Fuentes



LINGGO  22  ENERO  2012   REMATE

MOTORCYCLE RIDING TIPS

• Motorcycle gear
Kapag sumakay sa motorsiklo, napakahalagang magsuot ng tamang pananamit dahil hindi lang nito gagawing kasiya-siya ang inyong pagbibiyahe, kundi nagagawa pa nitong maging komportable at ligtas ang paglalakbay.
• Sa pagmamaneho ng motorsiklo sa masamang panahon
Sobrang magkaiba ang pagsakay sa motorsiklo at sa pagmamaneho ng kotse. Kapag nagmamaneho ng motorsiklo, kinakailangan ang ibayong pag-iingat sa panahon ng tag-ulan, lalo na sa mga kalsadang madudulas , o sa pagsalubong sa malakas na hangin.
• Sa nag-uumpisa sa pagmamaneho ng motorsiklo
Kung nais mong maging safe rider, kilalanin mo muna ang iyong motorsiklo. Ang pagsakay sa motorsiklo ay sobrang kakaiba kaysa sa pagmamaneho ng sasakyan o bisikleta. Gawing ligtas ang motorcycle equipment Kung ang iyong motorsiklo ay napapanatili ng maayos, nababawasan ang posibilidad nang pagpalya ng anumang equipment failure, pero sa sandaling nais mong ikonsidera ang tips sa pagtatama ng mga equipment failure, mas makabubuti ito sa iyong kaligtasan.
• Pagmamaneho ng motorsiklo ng may pasahero o sa grupo
 Siguraduhin na kung magmamaneho ng motosiklo nang may mga kasabay, o may sakay na pasahero, alam mo ang tamang safety tips para masiguro na ang inyong paglalakbay ay ligtas hangga’t maaari.
• Seguridad sa kalsada
Sa pagsakay sa motorsiklo, nakaharap sa lahat ng panganib sa kalsada. Mayroong milyon-milyong milya ang mga kalsada, ito man ay 1-lane dirt road o 12-lane highway, kailangan mong maging alerto at mapagmatyag sa daraanan at sa kapaligiran.


SABADO 21  ENERO  2012   REMATE
GEN. ASSEMBLY MEETING NG PHLRC  BUKAS
Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
First, happy PHLRC reading sa ating kaibigan na si Argie Dangalan gayundin sa kanyang may-bahay na si Neriza Lourine P. Yap, and most especially sa baby angel nila na si Zsaneen Dangalan.
Happy PHLRC reading din sa mga mekaniko ng Arrdy’s Shop Motorcycle Parts and Accessories na matatagpuan sa 80 Sitio East Kamias, Marcos Hi-way, Cogeo, Gate 2, Brgy. Sta. Cruz, Antipolo City, Rizal, na sina Elmar, Ulodie, Erik, Beng, Dexter, Padua, Algin, Bego, Uyoki at Riz, lalong-lalo na sa mga kaibigan natin na si Pareng Darry Dangalan at Vangie Dangalan na siyang mga owner sa nasabing motorcycle shop. Tuloy-tuloy lang ang pag-asenso, pare ko!
***
Samantala, bukas, araw na Linggo, ay General Monthly Assembly Meeting ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) na gaganapin sa Quezon City Memorial Circle na magsisimula sa oras na alas-7:00 ng umaga.
Pinakikiusapan ko ang lahat na ‘wag mag-absent dahil sobrang dami tayong paksa na pag-uusapan gaya ng mga sumusunod: PNP Checkpoint Seminar, Media Seminar and Workshop, Safety Driving Seminar, pagre-release ng ID bukas, bagong rules and regulations, paglalagda sa 10 Kasunduan sa Paggamit ng Plaka ng PHLRC, report sa pondo, pagkakaroon ng Quick Response unti (QRU), pagkakaroon ng mga proyekto at aktibidad, pag-aanunsyo sa bagong opisyales ng PHLRC para sa taong 2012 at maraming-marami pang iba.
Kita-kits, mga kapatid!

HUWEBES 19  ENERO  2012   REMATE

TIPS KUNG MAY ANGKAS NA BUNTIS

Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Maraming salamat sa lahat ng nagte-text sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) kung saan nagpapasalamat sila sa samahang ito sapagka’t, ayon sa kanila, mayroon pa palang samahang katulad ng PHLRC na nagpapahalaga sa kaligtasan ng ating mga kababayang nagmo-motor. Siyempre!
Samantala, napakakritikal na kondisyon sa isang motorcycle rider ang may kaangkas o kasakay sa minamaneho niyang motor.
Dapat talaga, hindi isinasakay sa motor ang isang buntis. Pero, kung ito ay iyong misis ay pareho kayong nagtatrabaho’y hindi maiiwasan na sabay kayong magbiyahe.
Natural, isasakay mo talaga siya.
Dapat lamang na bagalan lang ang takbo ng motor sa bilis na 30-45 kilometro kada oras o mas mababa pa. Sa gayun, Hindi ito makakaapekto sa dinadala ng isang buntis.
Maging maingat din sa pagmamaneho, tingnan ang dinaraanan lalo na ang mga lubak at huwag gigitgit sa ibang behikulo.
Paupuin ng normal at huwag pabukakang pasakayin ang buntis na gaya ng rider.
Pasuotin din ng helmet.
Ngunit, huwag pasuotin masyado ng protective gear upang hindi makaramdam ng irita at hindi komportable ang isang buntis.
Pasuotin din siya ng maluluwag upang hindi magkaroon ng pressure sa dinadala niyang sanggol.
Huwag basta-basta pumihit ng pabigla sa kanan o kaliwa upang ‘di dumausdos ang sakay na buntis at hindi ito mahulog.
Sundin ang payong pangkaligtasan upang maingatan ang buhay mo lalo na ang iyong minamahal.


MIYERKULES 18  ENERO  2012   REMATE

ANG AMING KAMPANYA PARA SA LAHAT NG NAGMO-MOTOR

Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Mahigpit ang kampanya ng Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) para sa lahat ng nagmo-motor sa bansa.
Kahapon, natalakay natin sa kolum na ito ang bilang ng motorsiklo sa buong bansa. Umaabot na sa mahigit 4 na milyon, ayon sa talaan ng Land Transportation Office (LTO).
Napag-usapan din natin ang kabi-kabilang mga aksidente sa mga lansangan na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.
Marami na ang namamatay dahil lang sa pagmamaneho ng motorsiklo dahil sa kawalan ng sapat na disiplina sa pagmamaneho ng motor.
Hindi ininda ng ilang motorcycle riders ang kahalagahan ng paggamit o pagsusuot ng helmet sa tuwing nagmamaneho ng motorsiklo.
Kaya naman buong puso kaming nagpapasalamat sa pagkakaroon ng espasyo ng PHRLC dito sa pahayagang Remate, ito ay para maipalaganap pa namin ang aming tunay na adhikain alang-alang sa ating mga kababayang nagmo-motor.
Maliban dito sa Remate, ang PHLRC ay mababasa rin sa pahayagang BAGONG TORO, ang seksing kapatid ng REMATE.
Halos araw-araw ay hindi kami nagsasawang paalalahanan ang ating mga kababayan na laging mag-ingat sa pagmamaneho ng motorsiklo.
Maliban sa mga pahayagan, lalo pang pinaiigting ng PHLRC riders ang kampanya nito sa internet.
Sa YouTube, panoorin ang “3 Yrs Old Baby Dies in Motorcycle Accident!
Marami kayong matutunan sa nasabing video clip.



MARTES 17  ENERO  2012   REMATE

MAHIGIT NA SA 4 MILYON ANG MOTORSIKLO SA ‘PINAS

Broom broom sa lahat ng nagmo-motor nationwide!
Ayon sa talaan ng Land Transportation Office (LTO), nasa mahigit 4 milyon na ang motorsiklo sa bansa. An’dami!
Usong-uso ang motor ngayon dahil mas mabilis itong gamitin kumpara sa mga four wheels.
Kung nagmamadali ka o kung ayaw mong ma-late sa trabaho, mas mabisa sa iyo ang motorsiklo.
Bukod sa tipid sa gas, hawak mo rin ang iyong oras.
Nguni’t ayon naman sa talaan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), sa loob lang ng isang buwan, dose-dosenang aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo ang naitala ng kanilang ahensya.
Bakit ito nangyari?
Dahil lang din sa pagiging abusado ng ilang motorcycle riders, na kung magmaneho ng motorsiklo,  akala mo’y pusa na may walong buhay! 
Kahit nakainom ng alak, nagmamaneho pa rin ng motorsiklo, kaya ang nangyari, tuloy sa sementeryo. Tsk, tsk, tsk!
Karamihan sa mga nasawing riders at backriders ay dahil sa hindi pagsusuot ng helmet.
Wasak ang bungo matapos mabangok ang ulo sa semento.
Ang iba naman ay naaksidente dahil sa kawalan ng disiplina sa pagmamaneho ng motorsiklo.
Sa kabila ng paulit-ulit na paalala sa ating mga kababayan at ilang ahensya ng ating pamahalaan hinggil sa tamang pag-iingat sa pagmamaneho ng motorsiklo, marami pa rin ang matitigas ang ulo. Maraming namatay, maraming naospital. Ang pagsisisi ay laging nasa huli.
Ang pagmamaneho ng motorsiklo ay totoong napakasarap nguni’t dapat ikaw ay maging maingat sapagka’t baka sa isang iglap mabura ang iyong mga pangarap.
Ang layon ng kolum na ito ay magbibigay paalala at babala sa lahat ng nagmo-motor na triplehin ang pag-iingat sa tuwing nagmamaneho.
Laging magsuot ng helmet at ‘wag mag-angkas ng paslit.
Parang ikaw na rin ang pumatay sa bata sa oras na kayo ay madisgrasya.
Sa pamamagitan ng kolum na ito, marami pa kayong matutunan hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho ng motorsiklo.
Magandang araw, riders!
***
Gusto mo bang sumali sa PHLRC? Mag-text lang sa 09086055331, hanapin si  Ka. Ronnie Terrado. Metro Manila residents only.