Make your own free website on Tripod.com


Press Release


August 22, 2011

PHLRC (Ang bagong tahanan ng mga nagmomotor)

Toro tabloid newspaper


PAANO SUMALI SA PHLRC?


BROOOM broom sa lahat ng nagmomotor nationwide!

First, welcome sa mga bagong miyembro ng Pinoy Hot Line Riders (PHLRC) partikular na sa Eagle Chapter na sina Eljohn Valiente at Dexter Maurillo, kapwa ng Mandaluyong City; Eladio Milar at Novel dela Rosa, kapwa ng Tandang Sora, Quezon City, Leodegario Jun Ropila at Michael de Jose ng Mandaluyong City at Geowen Napat ng Las Piñas City. Muli, welcome po sa PHLRC! Kaisa po namin kayo sa iisang layunin ng ating samahan. 

***

Sir, paano po ba sumali sa club ninyo? Ano po ang mga requirements? Salamat po. 

–Jomar ng Binondo, Manila  091537253++ 

Ka. ED: Nakapadali lang pong sumali sa aming samahan. At dahil sakop ng Eagle Chapter ng PHLRC ang Maynila mag-text lang po kayo sa 09237117445. Maghanda po kayo ng xerox copy ng OR/CR ng inyong motor gayundin ng inyong driver’s license. Kapag nakapag-fill up na kayo ng form, isasailalim kayo sa one month under observation. Kapag pasado kayo, lehitimo na kayong kasapi sa Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC). At dahil isa na kayong ganap na kasapi ng aming samahan, bibigyan kayo ng plaka at ID. At bilang kasapi sa PHLRC, tungkulin po nating lahat na sumunod sa lahat ng rules and regulations ng samahan. Siya nga pala, no membership po ito sa PHLRC. 


Magandang araw po, Ka. ED. Tanong ko lang po kung rehistrado sa SEC o Securities and Exchange Commission ang PHLRC. Maraming salama po.  

–091748536++

Ka. ED: Opo! Kung inyong napapansin, mayroon po kayong makikitang SEC REG. NO. CN201008552 sa logo ng ating kolum. Iyan po ang patunay na rehistrado sa SEC ang PHLRC. Opisyal na narehistro ang samahang ito noong Hunyo 7, 2010. 


Sali ako sa inyo, tapos habulan tayo! Ha ha ha! 

–091925684++ 

Ka. ED: Take note, ang PHLRC ay hindi samahan ng pangkarera. Samahan ito na ang isa sa mga layunin ay magbigay ng paalala o babala sa katulad naming nagmomotor hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho. Kung gusto mo ng habulan, wait lang... huhubarin ko lang sandali itong tsinelas ko! Ha ha ha! One, two, ready... go!


Napuna ko na lang, Sir Ka. Ed. Parang kayo lang ‘ata ang riders club na nasa diaryo. Balang-araw matatallo n’yo ang Motorcycle Philippines. Good luck po sa PHLRC.     

–091825438++

Ka. ED: Koreksyon... hindi po kami nakipagkumpitensya sa ibang samahan. Alam ng PHLRC na lahat ng riders club sa buong Pilipinas ay iisa lang ang layunin. Kung ang PHLRC man ay nasa pahayagang TORO, blessing ito sa PHLRC at malaki ang naitutulong nito sa paghahatid ng mga impormasyon na may kinalalaman sa pagmamaneho ng motorsiklo at marami pang iba.