Make your own free website on Tripod.com


RIDING TIPS SA TRAPIKO


MABIGAT na trapiko… dagdag pa ang naglipanang mga tao na nagpaparoo’t parito sa masikip na mga daan. Ang pagmamaneho sa trapiko ay maaaring maging isang bangungot, lalo na sa mga street-riding newcomers. Hindi na nga nakapagtataka sa maraming motorcyclists ang nadudurog at nasusunog habang nagmamaneho sa masikip na mga kalsada. Kahanga-hanga sa mga motorcyclist ang payapang makalagpas nang ligtas sa isang kalsadang puno ng tao.  Ang maling pagkilos sakay ng motorsiklo ay maaaring ikamatay ng tao. Narito ang mga estratehiya sa pakikitungo sa nakakainis na trapiko sa kalsada:


Tingnan ang ulo at salamin ng ibang mga driver.

Ang pagmamasid sa head movements ng mga driver sa pamamagitan ng kanilang mga bintana at salamin ay isang matalinong paraan para mahulaan ang biglaang paggalaw ng kanilang mga sasakyan. Karamihan sa mga driver ay hindi sumusugod pakaliwa o pakanan nang hindi muna unang iginagalaw ang kanilang mga ulo sa isang paraan o iba pa (kahit na hindi nila tsini-tsek ang kanilang mga salamin).


Magtiwala sa iyong salamin, pero hindi lubusan


Ang salamin ng iyong motorsiklo ang maaaring makapagligtas ng iyong buhay, pero kailangang akma ito sa ayos. Sa traffic, dapat lagi itong nakasuhay sa hulihang view kapag nasulyapan. Gawin itong mabilis at magdagdag ng extra measure sa pagmamaneho.


Huwag pumagitan sa isang sasakyan at sa rampa


Simple lang itong pakinggan, pero ang mga driver na nagdesisyong umarangkada sa huling minuto ay nakapapatay ng mga rider bawat taon. Ang simpleng tuntunin, at ang di pagposisyon ng sarili sa gitna ng sasakyan at sa labas ng rampa ay makapagliligtas sa kapahamakan.


pagbitiw sa pingga ng preno o pedal. Para mabawasang abutin ng oras,

laging panatilihin ang isang daliri o dalawa sa preno at sa iyong kanang daliri ng paa patungo sa hulihang brake pedal.


Hayaang mapansin


Siguraduhing natatanaw ka ng mga driver at pedestrian, kahit sa isang distansya lang. Magsuot ng matingkad at may kulay na gear, lalo na ang helmet at jacket.


Humanda sa lakas

Sa trapiko, ang pagsakay sa gear nang mas mababa sa normal ay nangangahulugang nakahanda nang tumakbo ang motosiklo sa harapan. Maaaring makapamili kung lulukso sa halip na maging limitado sa paggamit ng brakes kung ang trak ay lumipat sa unahan. Ang mabilis na pagpapaandar ay makapagpapa-alerto lalo sa mas

maraming sasakyan sa iyong harapan. 


Pagbagal ng trapiko? (Manatili sa kaliwa o sa kanan)


Kapag bumagal ang trapiko, manatili sa kaliwa o sa kanan. Magiging daan ito sa iyo para makatakas sa ruta kung kinakailangan. Ikaliligtas mo rin ito kung may pumalyang kotse o biglang huminto sa likuran mo. Kapag nakahinto ka na, ihanda ang clutch, ang gear at ang iyong mga mata ay kinakailangang laging nakatingin sa salamin. Hindi mo alam ang mangyayari kung may sakunang paparating. Maging handa.


Tingnan ang paligid

Laging suriin ang buong paligid kapag nakasakay sa motorsiklo, mula sa mga instrumento hanggang sa mga salamin, sa daan hanggang sa mga lugar na malalayo sa paningin. Mag-ingat sa iyong sitwasyon, at maging alisto palagi sa likuran at harapan, halimbawa ay may kaguluhan.


Ang panlilinlang sa left-turn

Kapag may dumating na sasakyan at aktong hihinto at kakaliwa, humanda. Ang liwanag mo dapat ay nasa driver na makakakita sa iyo (sa araw), pero hindi lang ito ang makapagliligtas sa iyo. Pagmasdan ang mga gulong ng sasakyan ng ibang driver at ang kanyang kamay kung saan gagawi ang pagliko. Maging handa sa pagpreno, sa paglihis o sa pagpapatulin. Kung ano ang mabuti sa sitwasyon.


Pag-aralan ang lugar

Idagdag ang mga aspalto sa pagsusuri. Tingnan kung may nagkalat na langis, antifreeze o mga pampaningas; kadalasang makintab ito sa semento. Tingnan din kung may mya mga  uhangin o graba, na kadalasang mahirap makita minsan. Gamitin ang pang-amoy, sa mga nagkalat na diesel fuel bago umabot ang mga gulong at madulas sa pagpapatakbo.


Pagsakay sa mga bukas na pook


Gamitin ang lakas ng iyong motorsiklo at ang kadaliang mapakilos ito sa mga open zone sa trapiko. Sa anumang grupo ng mga sasakyan laging may puwang: hanapin ito at doon magpatakbo. Sa pagsasagawa nito, nahihiwalay ka sa mga four-wheeler na sasakyan, magdadagdag sa iyo ng lugar para makapag-manyobra at makalayo sa mapanganib na mga blind spot at pabagu-bago ng speed. Ang pagmamaneho sa agos ng mga sasakyan ang nagiging dahilan para di ka makita ng iba pang driver, lalo na sa napakabigat na trapiko.


Gamitin ang hinlalaki


Gawing ugali ang pagkakansela sa tamang signal na madalas binabalewala sa traffic situation. Ang pagbibigay ng senyales ang maaring magsabi sa driver na naghihintay siya ng kanyang pagdaan o maari siyang lumiko sa iyong harapan kung hindi ka naman liliko. Kaya’t diinan ang switch ng ilang ulit bawat minuto.


Mabuti ang pagiging maliit


Ang isang malaking adbantahe ng single-track vehicles kaysa sa mga four-wheelers ay ang kakayahan nilang kumilos pakaliwa at pakanan sa loob ng sang linya at nakikita ng rider ang nauuna sa kanya. Madaling makita ang bahagi ng mga sasakyang nauuna, o natatanaw sa pamamagitan ng windshields. Sa gayon, nakapaghahanda sa paparating na sasakyan at para sa madaliang pag-aksyon.


Mahigit pa sa isang daan


Oo, ang mga motorsiklo ay bumabagsak. Pero ang mga ito ay magagaang, makikitid at madaling mamanyobra, kaya matutunang maipakita ang lakas ng mga ito laban sa di magandang mga pangyayari. Laging maraming rutang puwedeng daanan. Laging planuhin ang tamang lulusutan para makaiwas sa disgrasya. Ang pagtakbo kapag may nakahadlang. Mas madali ito, at marami nang nakagawa nito: Hayaan ang mas malalaking sasakyan ang lumagpas sa iyo kung nasa intersections. Kung may papalapit sa iyo mula sa kaliwa o sa kanan o nagsisignal ng ilaw, hayaang lumagpas ito. Huwag sumugod sa mga intersection kapag umilaw na ang berde. Maging matiyaga, at gamitin ang mga sasakyan na

sumusunod sa iyo bilang pantakip.