Make your own free website on Tripod.com
[ customhtml, 4 ]




10 TIPS PARA SA MAS LIGTAS NA PAGMAMANEHO NG MOTORSIKLO


tips para sa MAS LIGTAS NA pagmamaneho ng motorsiklo Buenos dias, amigos!Halos araw-araw na lang ay napapanood natin sa telebisyon at nababasa natin sa mga pahayagan ang mga aksidente na kinasasangkutan ng motorsiklo. 

Sa ulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA), daan-daang motorsiklo ang naaksidente sa mga lansangan sa Kalakhang Maynila ang kanilang naitala. At siyam sa sampu sa mga napatay na rider at backrider ay hindi nagsusuot ng helmet. Isa sa mga panguna­hing itinuturong dahilan ng aksidente ay ang pagkala­ngo sa alak ng motorcycle rider.  

Sa kabila ng mahigpit na pagpapatupad na batas na nagbabawal sa mga motorcycle riders na magmaneho ng walang suot na helmet at pag-inom ng alak ay marami pang sumusuway o hindi sumusunod dito. 

Ang tawag sa mga ito ay ma­gitas ang ulo! Oo, totoong napakasarap magmaneho ng motorsiklo, pero kung hindi tayo susunod sa pinapairal na batas ng ating gobyerno hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho  maaaring ma­lagay tayo sa peligro. 

Kung nakakabasa kayo sa mga diaryo, napakinggan sa mga radyo, at napanood sa telebisyon ang mga aksidente na kinasasangkutan ng mga motorsiklo.... tandaan n’yo, maaari ring manyari ito sa inyo! Kaya, simpleng payo lang mga kababayan, ma­ging alerto sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

‘Wag rin kayong kaskasero... baka pupulutin kayo sa sementeryo! Higit sa lahat, malayo man o malapit, ugaliin nating isuot ang helmet. Speaking of helmet, sa totoo lang, ang ilang sa ating mga kababayan ay sinusuot lamang ang helment kapag nakita sila ng traffic enforcers o kaya’y police na nagsasagawa ng checkpoint. 

Ang tanong sa inyo, kailan ba talaga matututo tayong mga Pilipino? 

Sa araw na ito, ang PHLRC ay may 10 tips para sa mas ligtas na pagmamaneho ng motorsiklo. Basahin n’yo sa ibaba. 

1. Magsuot ng helmet

2. Huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho

3. Huwag magmaneho ng nakainom ng alak

4. Huwag kaskasero

5. Gumamit ng ilaw at busina 

6. Tumingin sa side mirror

7. Sundin ang dalawang segundong distansya

8. Umiwas sa mga lubak at sirang daan

9. Inspeksyuning mabuti ang motor bago gamitin

10. Ugaliin ang pag-check-up ng motor sa mekaniko


(Published in the Toro tabloid newspaper on June 15, 2011)



SAFETY TIPS SA BIYAHE NA SABAY-SABAY


•              Buksan ang head light ng motorsiklo  
•               Buksan ang mga signal lights ng motorsiklo  
•               Sumunod sa mga hand signals  
•               15-25 metro ang pagitan o layo ng sinusundan  
•               Laging sundan kung sino ang sinusundan  
•               'Wag mag-overtake  
•               Magbigay daan sa mga nag-o-overtake  na bus, dyip, atbp.  
•               Magdahan-dahan o huminto kung wala na sa side mirror  ang nakasunod  
•               Iwasang mag-break ng pabigla  
•               'Wag mag-banking o palihis-lihis ng takbo  
•               Tumabi kung may nararamdamang aberya sa sasakyan  
•               Sumunod sa utos ng marshall at ride sweeper  
•               Sumunod sa batas trapiko  Ang aksidente ay maaaring maiwasan kung maging alerto  sa pagmamaneho at nasa kondisyon ang minamanehong motorsiklo!  


                       DAPAT GAWIN NG RIDER NA MAY ANGKAS NA BUNTIS

Napakakritikal na kondisyon sa isang motorcycle rider ang may kaangkas o kasakay sa minamaneho niyang motor. 
Dapat talaga, hindi isinasakay sa motor ang isang buntis. 
Pero, kung ito ay iyong misis ay pareho kayong nagtratrabaho’y hindi maiiwasan na sabay kayong magbiyahe. 
Natural, isasakay mo talaga siya.
Dapat lamang na bagalan lang ang takbo ng motor sa bilis na 30-45 kilometro kada oras o mas mababa pa. 
Sa gayun, Hindi ito makaka-apekto sa dinadala ng isang buntis. 
Maging maingat din sa pagmamaneho, tingnan ang dinaraanan lalo na ang mga lubak at huwag gigitgit sa ibang behikulo.
Paupuin ng normal at huwag pabukakang pasakayin ang buntis na gaya ng rider. 
Pasuotin din ng helmet. 
Ngunit, huwag pasuotin masyado ng protective gear upang hindi makaramdam ng irita at hindi komportable ang isang buntis. 
Pasuotin din siya ng maluluwag upang hindi magkaroon ng pressure sa dinadala niyang sanggol. 
Huwag basta-basta pumihit ng pabigla sa kanan o kaliwa upang ‘di dumausdos ang sakay na buntis at hindi ito mahulog. 
Sundin ang payong pangkaligtasan na upang maingatan ang buhay mo lalo na ng iyong minamahal.  


                    10 PAYONG PANGKALIGTASAN PARA SA MGA RIDERS

1.) Laging maging alisto ang mata o make eye contact. Huwag mong asahang lagi kang nakikita ng ibang motorista. Laging sanayin ang tumingin sa mga drivers ng ibang behikulo na maaaring bumagtas ng biglaan sa iyong dinaraanan.

2.) Basahin ang mga vehicle language pati na rin ang mga drivers, cyclist at ang pedestrian na nalalamang parating ka. Hindi nila batid ang iyong layo at bilis. Huwag kang umasa na nalalaman nila ang gusto mong gawin.

3.) Tingnan ang mga left turning vehicles at intersection. Kapag ikaw ay nabangga ng paparating na sasakyan na kumakambiyo ng pa-kaliwa ay karaniwang sanhi ng pagsimplang ng motorsiklo.

4.) Laging tingnan ang likuran kapag nagmamaneho kapag nasa highway. Tingnan ang iyong salamin at siguraduhing may katamtaman kang espasyo mula sa likuran. Ang mga drivers na nasa likuran mo ay baka hindi magmaneho ng mabagal at baka magitgitan ka ng hindi mo inaasahan.

5.) Tingnan ang mga panganib na mayroon sa kalsada. Gaya ng basang kalsada, fluid spill o grasa, buhangin, graba, highway sealant, mga railroad tracks (riles ng tren o humps), butas gaya ng imburnal o manhole, at iba pang gaya nito na maaaring makaapekto ng iyong pagmamaneho. Magiging sanhi kasi ito ng iyong pagsemplang at aksidente.

6.) Hinay-hinay lang ang takbo kapag may kurba ang kalsada. Maaari kasing lumagpas ka sa kalsada o sa sentro ng linya at mabangga ng paparating na trapiko. Tingnan lagi ang dinaraanan, mabagal lamang ang takbo at piliin ang tamang posisyon ng linya bago pumasok sa kurbang linya.

7.) Magsuot ng tamang helmet. Ito ay nakakatulong upang maiwasan ang head injuries sa 67 porsiyento ng pagkabangga at kaso ng  pagkamatay naman ng 29 porsiyento. Siguraduhin na may sticker ang iyong helmet na nagpapakita na isa itong de kalidad na motorcycle gear. Iwasang bumili ng gamit nang helmet. Maaaring nakaldag na iyon sa isang aksidente at pinsala nito ay hindi basta agad malalaman. 

8.) Magsuot ng protective clothing na dinisenyo para talaga sa mga motorcycle riders. Ito’y nakakatulong upang proteksiyunan ka kapag nabangga. Pinoproteksiyunan ka rin nito sa maalinsangang panahon upang manatili kang komportable kahit maalinsangan o kahit na umuulan. Proteksiyon din ito sa mga bumabagsak na debris kung mayroon man habang binabagtas ang kalsada. Huwag magmaneho ng motor kapag suot mo lamang ay lightweight pants o slacks at shorts.

9.) Protektahan ang iyong mata at mukha. Ang hangin na nasasalubong habang nagmamaneho’y nagiging sanhi ng panunubig ng mga mata, mga lumilipad na insekto. Ang alikabok at debris ay nakakapinsala ng iyong mukha. Ang mabisang proteksiyon dito ay ang pagsususot ng full faced helmet na may shield na tumatakip sa mukha.

10.) Magsuot ng bright o maliwanag na kasuotan. Maglagay din ng extra reflecting material dito o magsuot ng reflective vest. Bumili ng bright colored helmet at lagyan ito ng reflective tapes sa bawat kabila. Lagi rin dapat nakabukas ang iyong headlight. Magmaneho sa tamang linya sa gayun ay madali kang Makita ng ibang motorista.   

                            TIPS PARA MAKITA KA NG MGA DRIVER NG MALALAKING SASAKYAN

NAPAKAHALAGA para sa iyo na makita ka ng ibang tsuper. 

Ang motorsiklo ay napakaliit kaya’t mahirap itong makita ng mga driver na nagmamaneho ng malalaking sasakyan.

Bilang payo, iwasang magmaneho na sa blind spot ng four-wheeled vehicle dahil hindi ka makita ng mga driver. Ang blind spot ay nasa likod ka ng malaking sasakyan at hindi ka makita ng driver sa kanilang mga side mirror. 

Ang mabisang tips para makita ka ng mga driver, kailangan na ikaw ay nasa bandang gilid ng sasakyan, sa kaliwa o sa bandang kanan. 

Makakabuti rin kung laging buksan ang head light ng inyong motorsiklo para madali ka nilang makita. 

Dapat ikaw ay maging alesto rin sapagka’t baka biglang kumanan o kumaliwa ang sasakyang nasa inyong unahan o kaya’y baka bigla itong huminto. Dapat ay nananatiling nasa tamang distansya at tantiyahin kung sakali mang mag-brake ng alanganin ang sasakyan. 

Malaki rin ang tulong kung ikaw ay nasa bandang gilid ng sasakyan dahil makikita mo ang mga paparating na mga sasakyan. 

Iwasan ding mag-overtake ng alanganin baka may biglang tumawid na sasakyan o tao na iyong masasagasaan. 

Samantala, gusto mo bang maging smart at cool rider? Napakadali lang! 

Sundin ang batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

(Published in the TORO newspaper on October 5, 2011)




ShowHide Responses