Make your own free website on Tripod.com

BINUWAG NA ANG 3 CHAPTER

BROOM broom sa lahat ng nagmomotor nationwide! First, many-many thanks po sa lahat ng kapatid sa Pinoy Hot Line Riders Club na patuloy na nagmamahal sa ating samahan. Galing! 

Kahapon, kasabay ng meeting sa QC Circle, opisyal nang binuwag ang tatlong chapter ng samahan... ito ay batay na rin sa napagkasunduan ng karamihan. 

***

Kasabay ng muling pagkakaisa ng PHLRC riders, ilulunsad namin ang “PHLRC Driving Safety Campaign” sa Oktubre 16 kung saan ang lahat ng kasapi ay mamimigay ng flyers sa mga kababayang nagmomotor sa iba’t ibang panig sa Metro Manila. Layon nito na mabigyan ng babala at paalala ang ating mga kababayan hinggil sa mas ligtas na pagmamaneho.   

Kuwentuhan po ulit tayo bukas. Ingats! 

(Published in the TORO newspaper on October 10, 2011)


 

PATULOY KAMING MAGPAPALAGANAP

BROOM broom sa lahat ng nagmomotor nationwide! 

Ngayong alas-9:00 ng umaga, mapapakinggan n’yo na ang Pinoy Hot Line Riders Club (PHLRC) sa DWSS 1494KHZ am Band sa programa ng kapatid namin sa hanap-buhay na si Pareng Ronald Bula, na siyang host at producer ng Bandera Pilipino sa Radyo. 

Tatalakayin namin ngayon ang ilang tips para sa ligtas na pagmamaneho ng motorsiklo, na siyang misyon ng PHLRC sa ating mga kababayang nagmomotor. 

Siyempre pa, tatalakayin din namin kung paano nagsimula ang samahang ito, kung ano mga layunin at mga adhikain. Galing! 

Ang DWSS ay maaari n’yo ring mapakinggan sa website na http://dwss-am.mellow947.fm

Ibig sabihin, kung wala kayong radyo, puwede n’yo kaming mapakinggan sa internet. 

Sa ibang dako, mamaya namang ala-una ng hapon, mapapakinggan n’yo naman kami sa DWAD 1098KHZ sa pihitan ng inyong mga radyo. 

And of course, linggo-linggo n’yo na kaming mapapakinggan sa ere. 

Ang lahat ng ito ay ginagawa ng inyong lingkod para sa aming misyong patuloy na pagpapalaganap. 

Sa mga gustong magpa-bati sa radyo, text lang sa 09192848266. 

I love you, PHLRC! 

***

May meeting ang lahat ng PHLRC riders sa Quezon City Memorial Circle sa Quezon City sa oras na alas-9:00 ng umaga bukas, Okt. 9. Marami tayong tatalakayin at isa na rito ang paglulunsad ng malaking proyekto. Isuot ang PHLRC uniform (black). 

(Published in the TORO newspaper on October 8, 2011)



 

TIPS PARA MAKITA KA NG MGA DRIVER NG MALALAKING SASAKYAN


NAPAKAHALAGA para sa iyo na makita ka ng ibang tsuper. 

Ang motorsiklo ay napakaliit kaya’t mahirap itong makita ng mga driver na nagmamaneho ng malalaking sasakyan.

Bilang payo, iwasang magmaneho na sa blind spot ng four-wheeled vehicle dahil hindi ka makita ng mga driver. Ang blind spot ay nasa likod ka ng malaking sasakyan at hindi ka makita ng driver sa kanilang mga side mirror. 

Ang mabisang tips para makita ka ng mga driver, kailangan na ikaw ay nasa bandang gilid ng sasakyan, sa kaliwa o sa bandang kanan. 

Makakabuti rin kung laging buksan ang head light ng inyong motorsiklo para madali ka nilang makita. 

Dapat ikaw ay maging alesto rin sapagka’t baka biglang kumanan o kumaliwa ang sasakyang nasa inyong unahan o kaya’y baka bigla itong huminto. Dapat ay nananatiling nasa tamang distansya at tantiyahin kung sakali mang mag-brake ng alanganin ang sasakyan. 

Malaki rin ang tulong kung ikaw ay nasa bandang gilid ng sasakyan dahil makikita mo ang mga paparating na mga sasakyan. 

Iwasan ding mag-overtake ng alanganin baka may biglang tumawid na sasakyan o tao na iyong masasagasaan. 

Samantala, gusto mo bang maging smart at cool rider? Napakadali lang! 

Sundin ang batas trapiko at mag-ingat sa pagmamaneho ng motorsiklo. 

(Published in the TORO newspaper on October 5, 2011)