Make your own free website on Tripod.com

PASLIT DUROG ANG ULO SA KILLER TRUCK 

UTAS agad ang isang paslit na bata matapos madurog ang ulo at magkalasog-lasog ang katawan matapos makaraang masagasaan ng  container van  habang ang una ay humahabol sa kanyang nanay na papasok sa trabaho nitong Sabado ng hapon, Nov. 12, 2011, sa Samatad Compound, Tannigue St., Caloocan City.

Ang nasawi mismo sa pinangyarihan sanhi ng pagkalasog lasog ng katawat at pagkadurog ng bungo ay nakilalang si Princess Cotton, panganay na anak ng mag-asawang Joel at Mercy Cotto ng Blk 10 Lot 22, Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod.

Mabilis namang tumalon at tumakas ang hindi pa nakikilalang killer driver na iniwan ang kanyang sinasakyang truck na may plakang RDZ 423 sa nasabing pinangyarihan.

Ayon sa ulat, ganap na alas 4:30 ng hapon nang masagasaan ang biktima. 

Hinahabol ng biktima ang kanyang inang si Mercy papasok sa kanyang trabaho at hindi namalayn ng bata ang paparating na trak hanggang sa biglang lamunin ng hulihang gulong na naging sanhi ng maagang kamatayan nito.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang driver at ang may-ari ng nasabing truck para papanagutin sa nasabing trahedya.